Fifty Three - Pagdarasal

384 65 0
                                    

Ilang beses kang magdasal sa loob ng bente kwatro oras? Isa? Dalawa? Tatlo?

Sa aking pag-oobserba sa paligid at paglilibot sa kung saan-saang lugar upang magshare ng word of God, karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi marunong magdasal. Yung iba, marunong nga kaso hindi naman nila ginagawa.

Nakakatuwa nga kapag nakakita ka ng isang batang paslit na nasa isang sulok at nagdarasal sa ating Panginoon.

Noong mga bata pa tayo ay tinuturuan tayo ng ating mga magulang na manalangin. Tuwang-tuwa nga sila kapag nasabayan natin ang dasal na itinuro nila sa atin eh pero ngayon, ano na nangyari?

Sa mga Catholic, tinuturuan sila ng dasal na "Our Father" at iba-iba pang dasal. Gumagamit pa nga sila ng rosaryo eh diba?

Pero ang rosaryo ngayon ay dinadala lang ng isang kabataan kahit saan siya magpunta dahil poprotektahan daw siya nito kaso ang tanong, alam mo ba kung paano ito gamitin?

Hindi naman masamang magdasal eh. Any time any where! Kung ano ang nilalaman ng puso mo ayun!

Ako nga noon ay nahihiya pang magdasal kasi kapag nagkamali ako tingin ko ay pagtatawanan ako ng mga makakarinig sa akin pero wala tayong dapat ipag-alala.

Ang pagdarasal ay isang way para makipagcommunicate kay God kaya always pray.

Sa pagdarasal, nagdarasal tayo tuwing pagkagising sa umaga, kapag kakain, at kapag matutulog.

Hindi lang tatlong beses sa isang araw tayo dapat magdasal. Hangga't nangangailangan tayo ng presensya niya, just pray and ask always for guidance.

Huwag nating kakalimutang magdasal. Pray, pray and pray po!

Napapansin ko po kasi na karamihan sa mga tao ngayon, bata man o matanda, nagdarasal lang tayo kapag nangangailangan tayo yung tipong gipit na gipit ba at talagang wala na tayong matakbuhan.

Lagi namang nandiyan si God at nakikinig sa atin kaya kausapin natin siya.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Manalangin kayong walang patid."

-1 Tesalonica 5:17

Laging manalangin, hindi lang sa panahong nagigipit o kaya'y nanganganib.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon