Eto na po ang huli, kaya salamat sa inyong lahat na tumangkilik at natuto sa librong ito.
Sa mga hindi pa nakakakilala kay Jesus Christ at gusto siyang kilalanin, buksan niyo lang po ang inyong puso.
Si Jesus ay kumakatok sa pintuan ng ating puso. Ikaw ang magpapasya kung papapasukin mo ba siya o hindi.
Kung ang desisyon mo ay papasukin siya then, tanggapin mo siya ng buong puso at buong kaluluwa. Tanggapin mo siya bilang personal Savior at siya lamang ang paghariin sa iyong puso.
Ngayon, kayong mga tumanggap ngayon sa kaniya ay ilagay niyo lamang ang iyong kanang kamay sa inyong puso at damhin ang presensiya niya at sabayan niyo ako sa isang panalangin.
Panginoon, pinapapasok po kita sa aking puso. Kayo po ang maghari dito. Tinatanggap ko po kayo bilang aking sariling Panginoon at tagapagligtas. Kayo po ang patuloy na manguna sa aking buhay. Linisin niyo po ako ng inyong Banal na Espiritu upang makalimutan ko na, ang mga bagay na aking ginagawa noon. Ilayo niyo po ako sa tukso. Kayo po ang laging maggabay sa akin at sa aking pamilya. Kayo po ang maghari sa aking buhay. At tinatanggap ko po kayo ng buong puso, buong pag-iisip at buong kaluluwa. Ito po ang aming samu't panalangin, sa pangalan ni Hesus, Amen.
Ngayong tinanggap mo na siya sa iyong puso, paghariin mo siya rito upang hindi ka matukso ng kaaway na gumawa ng masama.
Ngayong nakakilala at nagbago ka na, iwasan mo na ang lahat ng bagay na mali mong nakagawian noon.
Ngayon, humayo ka at ipaalam sa iba kung gaano kabuti ang Panginoon sa iyong buhay.
I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.
Thanks for reading po! Hanggang sa susunod po! Kitakits!
--------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.
Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!
Comment and Vote po!
Let's Spread the Word of God!
Thank you!
Word of God
"Ayon sa pangako Niya, may maaasahan din tayong bagong langit at bagong lupa na paghaharian ng katarungan."
-2 Pedro 3:13
Mundo - puno ng kalungkutan
Langit - puno ng kagalakan
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
EspiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...