Eight - Pag-inom

965 106 18
                                    

Another great topic for today right?

Huwag po kayong pilosopo! Ang pag-uusapan natin ay Pag-inom ng nakalalasing na inumin! Hindi pag-inom ng tubig! Haha!

Isa ka bang alcoholic person? Hahaha! Para sayo ito!

Kagaya nga ng sinabi ko, wala akong bisyo! Kasi mabait ako! Haha! Oo totoo nga! Hindi pa ako nakakatikim ng alak! Maski wine! Ayokong subukan! Baka maadik ako! Haha!

Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi ako mahilig gumimik o kaya ay makipagparty-party! Haha! Sa tuwing may kaarawan o selebrasyon, juice, softdrinks o kaya ay tubig lang ang aking iniinom hehe! Ganun ako kabait na bata! Haha!

I wonder also kung bakit maraming kabataan ang nahuhumaling sa pag-inom ng alak. Bakit nga ba?

Sabi nila ay mapait daw ang alak at hindi masarap so bakit pa sila umiinom? Dahil sa side effect nito?

Alam naman ng lahat na kapag ang isang tao ay umiinom tiyak na may problema iyan. Gustong makalimot ganun. Pero panandalian lang naman iyon at kinabukasan ay fresh na ulit ang problema mo! Haha!

Kayo nga matanong ko lang, bakit kayo umiinom ng alak? Comment niyo na lang po sa baba yung mga sagot niyo.

Napapansin ko lang, sa tuwing magcecelebrate ang isang tao hnding-hindi mawawala ang inuman na iyan!

Share ko lang..

Mayroon akong kaklase na babae noong First Year College pa kami. Hindi siya umiinom walang bisyo in short mabait na bata! Haha!

Intrams namin noon tapos nagkagalit sila ng kaibigan niya tapos niyaya siya ng kaklase rin naming babae bar daw sila ade dahil problemado nga ade sumama.

Nandun daw sila sa private room tapos inom-inom kwentuhan ganyan. Tapos daw nung nalasing siya hindi niya raw maalala yung kaniyang pinaggagagawa. Nakauwi naman siya sa kanila at hinatid ng kaklase namin ng tulog haha!

Natatawa ako sa palusot na sinabi niya raw sa Nanay niya na nabalis daw siya. Hindi kasi siya umiinom at papagalitan siya ng nanay niya kapag nalaman iyon. Paniwalang-paniwala naman daw yung Nanay niya haha!

Oh kita niyo na, maraming naududulot na masama ang pag-inom at nakagawa ka pa ng kasalanan dahil nagsinungaling ka.

Marami ring kababaihan ang napapahamak ng dahil sa pag-inom ng alak. Magugulat na lang sila na buntis na pala sila haha! Alam niyo na iyon! Matanda na kayo! Haha!

Maraming tao ang namamatay dahil sa pag-inom ng alak. Kaya habang maaga pa kung mahal mo ang buhay mo, magbago ka na!

Tula ko...

Pag-inom

By risingservant

Oh Lilak

Na namumulaklak

Sa paligid na kay lawak

Ay biglang nawasak

Sa iyong pag-inom ng alak

Ika'y naging madakdak

Kaibigan mo'y nagkaroon ng balak

Na kunin amg iyong bulaklak

Ngayon ay wala ka ng hawak

Buhay mo'y nawasak

Kaya ngayo'y talak ka nang talak

Na nagbunga ng isang anak

Ngayo'y hirap na hirap ka na

Dahil nagkamali ka ng pasya

Ngayo'y nagsisiai ka na

Na nagkaroon ng anak ng maaga

Nang dahil sa alak

Buhay mo'y nawasak

Mga pangarap mo'y lumagapak

At hindi mo nakamit ang huling halakhak

I hope nagustuhan niyo po! Haha! Pati yung tula sana'y may matutunan ka!

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Maraming salamat sa iyong pagbabasa! Sana ay may natutunan ka!

Comment and Vote po!

Word of God

"Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Fariseo."

-Lucas 12:1

Sa darating na panahon, siguradong malalantad ang ating mga kasalanan.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon