Eto ang isa sa mga sensitibong topic na kay hirap pag-usapan.
Nakasaad sa Biblia na, "Huwag kayong sasamba sa mga dios-diosan."
Hindi tayo dapat sumamba sa bulkan, ulan, araw, lupa, dagat, sa sebulto at sa kung anu-ano pa.
Ang point ko rito ay about doon sa mga rebulto.
May nagsasabi na kaya mayroon silang imahen like Mary Magdalene, Saint ganito, Saint ganiyan ay dapat representation lang naman daw nila. Hindi raw nila sinasamba o kung ano pa man.
Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang pangalan ng mga santo na isineselebrate pa ng karamihan tuwing fiesta.
Yung iba, nagsasabi na deboto raw sila ng poong ganito ganiyan. Ang masaklap pa, pinupunasan pa nila ang imahe na iyon ng paniyo at sinasabing mapapagaling daw sila nito.
Ito ang mali sa nakagawian nila. The image is just their representation pero bakit maraming nahuhumaling na punasan ito at naniniwalang mapapagaling kaagad. Ang healing ang nagmumula sa Panginoon. If you believe na gagaling ka, gagaling ka.
Yung iba, ginagawa namang negosyo. Yung tipong, kunwari ay sasaniban ni ganitong poon. Hay, sino ba niloloko nila? Sarili nila at marami namang nagpapaloko.
Kung gusto mong magkaroon ng himala, gusto mong gumaling ang iyong sakit o karamdaman, manalig ka lang sa Panginoon and ask for healing. Ibibigay naman niya iyon eh, just ask him and have faith in Him.
Sabi nila, ang mga Santo raw ay malapit sa Panginoon kaya mayroon daw na iba't ibang klaseng Santo. Eh pwede namang direct kay God diba? Maling nakagawian nga naman.
Kaya po, maraming maling nakagawian na paniniwala ang mga Pilipino na na-adopt sa ibang tao.
Kung mayroon kayong katanungan o gustong ipaglaban tungkol sa bagay na ito, i-comment niyo lang po.
Hindi muna po muna ako gagawa ng tula, sa susunod na lang po hehe! Salamat!
I hope na nagustuhan niyo po ang ating pinag-usapan ngayon. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Napansin [ni Pablo] puno ng mga dios-diosan ang lungsod. Labis ikinalungkot iyon."
-Gawa 17:16
Maituturing na dios-diosan ang anumang bagay na naglalayo sa atin sa Diyos.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
![](https://img.wattpad.com/cover/14934538-288-k222933.jpg)
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...