Forty Seven - Kamatayan

342 61 0
                                        

Walang sinuman ang makakapagsabi at makakapagtakda ng ating kamatayan. Tanging ang Panginoon lang ang nakakaalam nito.

Kaya ang buhay natin ay dapat nating pahalagahan. Hindi natin dapat ito sayangin.

Sabi nga nila, kung nalalapit na ang iyong napipintong kamatayan, ano ang gagawin mo?

Yung iba ay gumagawa ng wish list o things to do bago sila mamatay.

Karamihan sa atin, ang hiling bago nila lisanin ang mundo ay makasama ang kanilang mahal sa buhay. Yung iba naman ay patawarin ang mga nagkasala sa kanila at mapatawad sila ng mga nagawan nila ng kasalanan.

Pero ang mas masarap bago mo lisanin ang mundo ay matapos mo ang iyong misyon at naging pagpapala ka sa iba bilang instrumento ni God.

Lahat tayo ay mayroong misyon dito sa mundo at may purpose kung bakit ka narito. Alamin mo ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia.

Masarap sa pakiramdam na nagawa mo ang misyon mo at nakapagdala ka pa ng mga kaluluwa sa langit.

Isa lang sa mga kinaaayawan ko ay ang mga Doktor na nagbibigay taning ng buhay. Yup, nasasabi nila iyon base sa kalagayan ng katawan ng isang tao pero hindi iyon ang dapat nilang gawing batayan para magpredict sa magiging kahihinatnan ng isang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.

At isa pa, hindi ka dapat matakot kapag araw mo na. Hindi ibig sabihin nito ay katapusan mo na dahil ito ay simula pa.lamang upang ika'y magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kaya dapat maging good doers po tayo. Gumawa tayo ng mabuti sa abot ng ating makakaya.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Malakas nga ang loob nating iwanan ang katawang ito... upang manirahan na sa piling ng Panginoon."

-2 Corinto 5:8

Para sa mananampalataya, ang kamatayan ay kagalakan dahil pupunta siya sa langit at makakapiling si Jesus.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon