Gawain mo ba ang magmukmok sa iyong kwarto tuwing ikaw ay nagtatampo? Pwes, pinapasakit mo lang ang damdamin mo.
Lahat naman tayo ay nagtatampo sa mga Parents, kaibigan, boyfriend/girlfriend at kung kanino pa man sa iba't ibang kadahilanan.
Sa Parents, nagtatampo tayo sa kanila kapag may gusto tayo na hindi nila maibigay. Dapat tayo, alam natin dapat ang sitwasyon kung bakit ba hindi nila maibigay yung gusto niyo baka naman kasi mahal ito o kapos kayo sa pera. Nasa sitwasyon iyan ng inyong pamilya.
Sa Kaibigan, ano pa nga ba? Ade siyempre kapag naglihim tayo sa kanila. Ayon ang maganda sa magkakabarkada, ang walang lihiman dapat open sa isa't isa.
At sa boyfriend/girlfriend, ano pa nga ba? Birthday? Monthsary? Anniversary? Misunderstanding? At marami pang iba. Kaya ikaw kung makakalimutin ka, dapat may reminders ka sa kalendaryo mo! Haha!
Isantabi po natin ang pagtatampo. Huwag tayong nagmumuryot sa isang sulok haha!
Tula ko..
Pagtatampo
By risingservant
Oh Lilo
Nagpunta sa dormitoryo
Biglang nahilo
Nahiga sa kama mo
Pinilit mong gisingin
Ngunit ayaw niyang gawin
Pinukpok mo ng unan mo
Pero sa huli siya'y nakakapagtampo
Pumunta ba siya sayo para magpahinga sa kama mo?
Hindi ba niya naalala ang kaarawan mo?
Tila gusto mong ipamukha sa kaniya na ika'y nagtatampo
Pero dedma lang ang beauty mo
Huwag ka ng magtampo
Babawi rin iyan sa iyo
Kaya huwag ng magparoo't parito
Hintayin mong magsorry siya sayo
I hope na nagustuhan niyo ang mumunting tula na ito hehe! Thanks!
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan.
Comment and Vote po!
Thanks!
Word of God
"Nawa'y ang Diyos mismo ng kapayapaan ang magbibigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng panahon."
-2 Tesalonica 3:16
Kung sumasaatin ang Diyos, anumang problema ang harapin, kapanatagan ng loob ay ating kakamtin.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
EspiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...