Tayong lahat ay mayroong kaniya-kaniyang kinatatakutan.
Yung iba, takot sa ipis o mga insekto at hayop diyan sa paligid.
Isa sa mga kadahilanan kung bakit tayo natatakot sa mga insekto dahil nandidiri tayo.
Ayaw nating madapuan ng mga insekto kasi marumi ito at sa kung saan-saan ito nanggaling at dumadapo kaya may hatid itong sakit na ating ikinatatakot.
Sa mga iba't ibang uri naman ng hayop ay natatakot tayo dahil akala natin ay sasaktan nila tayo.
Yung iba, takot sa mga multo, at ibang living creatures under the ground o mga lamang lupa.
Ang mga multo ay likha lamang ng ating malilikot na imahinasyon. Ginagamit ng ating kaaway ang ating kahinaan para matakot tayo.
Ang mga espiritu na hindi mapakali sa paligid ay nilikha lamang ng kaaway upang tayo'y lituhin. Ang mga lamang lupa ay maaring totoo. Pati na rin ang ibang creatures sa paligid.
Hindi po tayo dapat matakot kung may tiwala tayo at kung nananalig tayo sa Panginoon.
Testing of FAITH, dito malalaman kung gaano ba kalakas ang paniniwala at pananampalataya mo sa Diyos kaya trust him po.
Tula ko..
Takot
By risingservant
Lahat tayo ay may karanasan
Karanasang hindi maiiwasan
Ang karanasang ito ay may dahilan
Marahil na rin sa ating malikot na isipan.
Bawat tao ay may kinakatakutan
At dahil sa isang karanasan
Ito'y tumitimo sa ating isipan
Kaya hindi natin ito makalimutan.
Isa ba sa kinakatakutan mo ay ang kamatayan?
Pwes, nagkakamali ka diyan
Ang kamatayan ay hindi katapusan
Bagkus, ito ang ang simula sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan
Ang takot mo ay isuko mo
Sa Panginoon magtiwala dahil siya ang makakatulong sayo
Lalo na sa oras ng kagipitan
Siya lang ang iyong makakapitan
I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang aking mumunting tula na para sa inyo. I-apply po natin sa ating buhay ang ating mga natutunan.
--------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.
Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!
Comment and Vote po!
Let's Spread the Word of God!
Thank you!
Word of God
"Ang Panginoon ay sumasaiyo, ikaw na magiting na mandirigma."
-Hukom 6:12
Mapaglalabanan natin ang takot kung alam nating kasama ang Diyos.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
![](https://img.wattpad.com/cover/14934538-288-k222933.jpg)
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...