Lahat ng tao ay nakakagawa ng kasalanan. May mabigat ka bang dinadala sa iyong puso? Tungkol ba ito sa iyong kaaway? Pwes, pag-usapan natin iyan.
Masarap mamuhay kapag ika'y walang kaaway. Kahit saan ka man dumako ay hindi ka mababagabag.
Pero kapag ika'y mayroong kaaway, pilit itong hahalungkayin ng kasamaan upang ika'y mag-iba.
Lahat naman tayo ayaw nating magkaroon ng kaaway diba? Kaya una sa lahat, huwag tayong magtatanim ng galit sa ating puso.
Sabi nila, "Kung ano ang iyong itinanim, ay siya ring iyong aanihin." Kaya kapag nagtanim ka ng galit, galit din ang aanihin mo.
Sa oras na ito, kung ikaw ay mayroong nakasamaan ng loob, patawarin mo na siya.
Kahit gaano pa man kasakit ang ginawa niya sayo, patawarin mo siya. Kalimutan mo na ang nakaraan. Mabuhay ka sa kasalukuyan. Past is past nga diba?
Mayroong nakapagkwento sa akin na galit daw siya sa tatay niya. Ang reason ay ipinagpalit sila sa iba at ngayon ay mayroon ng ibang pamilya.
Hindi ko siya masisisi na magtanim siya ng galit at hinanakit dahil sa sakit na iniwan sa kaniya ng kaniyang Ama.
Ang ipinayo ko lang sa kaniya ay kahit gaano pa man kaliit o kalaki ang kasalanang nagawa niya sayo, patawarin mo pa rin siya dahil maaaring dumating ang panahon na mawala na siya sa mundo at hindi mo pa rin siya napapatawad.
Kung ang Diyos nga eh pinapatawad tayo kahit gaano pa man kaliit o kalaki ang kasalanan natin sa kaniya ngunit ikaw, hindi mo kayang magpatawad?
Kung hindi mo kayang patawarin ang nagkasala sayo, hindi ka rin patatawarin ng Panginoon sa nagawa mong kasalanan.
Kaya habang maaga pa, matuto kang magpatawad. Kung kinakailangan na ikaw ang magpakumbaba, gawin mo para magkaayos kayo.
I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.
--------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.
Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!
Comment and Vote po!
Let's Spread the Word of God!
Thank you!
Word of God
Matuto tayong magpatawad upang tayo'y patawarin din ng Panginoon at makapasok tayo sa langit.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...