Forty Four - Pangamba

364 68 3
                                        

From the word itself, bakit nga ba tayo nangangamba? Maraming dahilan kung bakit tayo pinapangunahan nito.

Halimbawa na lang sa pagbabahagi ng word of God.

Una, nahihiya tayo sa mga taong babahagian natin dahil kung anu-ano na lang ang sasabihin nila sa atin.

Hindi po madaling humayo sa iba't ibang lugar para lang makapagturo ng word of God. Marami kaming dapat isakripisyo ngunit katumbas naman nito ang ibayong kaligayahan kapag nakapagdala ka ng kaluluwa sa itaas.

Ang kaluluwang tinutukoy ko ay ang mga taong nagbago at nakakilala kay Jesus.

Oo mahirap pero through Him nakakaya ko.

Noong una ay nahihiya ako kasi iba't ibang klase ng tao ang makakasalamuha ko. Syempre, hindi maiwasan ang mga side comments ng mga tao na kesyo hindi naman totoo ang mga sinasabi niyan mga ganun pero hindi iyon sapat para tayo'y magpaapekto.

Pangalawa, ang mga criticism na maririnig mo sa iba.

Tayo'y nag-aalangan dahil sa masasakit na sinasabi ng iba patungkol sayo na ipilit kang itinutumba para panghinaan ka ng loob.

Ang mga tao ay sadyang mapang-usig kaya kung sa kanila ka makikinig at maniniwala, talagang panghihinaan ka ng loob hanggang sa malayo ka sa tamang landas.

At ang panghuli, mahina ang ating pananampalataya sa Panginoon.

Dati, kapag ako yung inaatasan na magdasal sa simbahan namin ay nag-aalinlangan pa ako kasi iniisip ko noon na hindi madaling magdasal sa harap ng maraming tao tapos naka-mike ka pa. Ano na lang iisipin nila kapag nagkamali ako dahil sa kaba?

Iyan ang bumabagabag sa akin lagi noon. Ibig sabihin pala ay nahina at nawawala ang pananampalataya kapag ganoon pero ngayon syempre nagbago na ako.

Kapag malakas ang pananampalaya mo sa Panginoon, ma-oovercome mo ang lahat ng bumabagabag sa iyong kalooban.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito sa wattpad. Ang makapagshare ng word of God. Ang sarap sa pakiramdam na mayroon kang taong napagbago through the word of God.

Napansin ko kasi dito sa wattpad na mayroon nga genre ng spiritual kaso hindi naman ito tinatangkilik ng mga tao. Tanging mga Christians lang din ang mga nagsusulat kaya bilib ako sa mga Co-Christian ko na patuloy na nagsusulat patungkol sa Diyos kaya huwag po sana tayong susuko at maging instrumento po tayo para maraming kabataan ang makakilala sa Panginoon.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating pinag-usapan ngayon. Kung maaari po ay I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay."

-Juan 14:6

Pasasakayin lang tayo ng iba sa kanilang mga itinuturo tungkol sa Diyos, pero tanging ang Panginoong Jesus lamang ang makakapagdala sa atin sa langit.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon