Marami ka bang kaibigan? O wala kang masandalan? Sigurado ka bang masaya ka ngayon? Eh ano kinabukasan mo? Ito kaya'y aayon?
Masayahin ka bang tao at pala-kaibigan kaya marami kang nagiging kaibigan? At ngayon, nakabuo na kayo ng isang barkadahan.
Gala rito, gala roon. Dinaig niyo pa si Dora sa sobrang pagiging lakwatsero't lakwatsera.
Masarap nga namang marami kang kaibigan at namamasyal kayo sa kung saan-saan, food trip sa kung saan, movie marathon hanggang gabi at higit sa lahat ay over night kasama sila.
Hindi naman masamang magkaroon kabarkada basta make sure niyo lang na mabuti ang hangarin nila. Anong ibig kong sabihin sa mabuting hangarin?
Dapat ay kaibigan na totoo at malinis talaga ang puso at yung hindi ka ilalagay sa kapahamakan.
Sa panahon ngayon, naglipana na ang mga taong plastik diyan sa paligid kaya mag-ingat po tayo upang hindi tayo mapahamak.
Dapat ay marunong kayong makiramdam sa isang tao sa unang tingin pa lang kung dapat ba silang pagkatiwalaan o hindi.
May mga tao kasing Bad Influence na tuturuan ka ng kung anu-anong bagay! Ang mga taong ganito ay kadalasan mga nagrerebelde sa kanilang mga magulang.
Tuturuan kang magsugal, uminim ng alak, manigarilyo, at kung anu-ano pang kahindik-hindik na bagay na hindi makakabuti sa isang tao.
Much better po kung tayo na maraming alam sa kabutihan ang mag-impluwensya sa mga BI para magising sila sa katotohanan at maging mabuti silang nilalang.
Hindi po masamang magkaroon ng Barkada pero kung Bad Influence sila ayun ang dapat iwasan. Help them to change! Help them to be good!
At kung ikaw naman ay gusto mo ng magbago, just repent to the Lord and say...
Lord, Patawad!
Tula ko...
Barkada
By risingservant
Kay sarap kasama
Mga kaibigang nagkakaisa
Oh kay saya sa tuwina
Kapag kayo'y sama-sama
Pupunta kina ganito
At maghaharutan ng todo
Idagdag mo pa ang picnic sa veranda
Habang kayo'y siyang-siya
Movie marathon hanggang umaga
Tapos ay magjojogging na
Oh kay sarap kasama
Barkada mong kalog pa
Ngunit kay hirap isipin
Mayroong ibang nagngangalit ang ngipin
Kaya sila'y handang sirain
Buhay mo hanggang sa maging buhangin
I hope po na nagustuhan niyo ang mumunting tula kong ito na para sa inyo.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Be wise po sa pagpili ng kaibigan. Mas mainam po kung lubas natin silang kakilala at mga good influence.
Kung may mga kaibigan ka naman na BI or napariwara na, tulungan mo siyang magbago para makapagsimula ulit siya.
Word of God
"Ang kalooban ni Jonathan na anak ni Saul ay napalapit kay David."
-1 Samuel 18:1
Ang tunay na kaibigan ay maaasahan sa panahong may mga problema ka.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...