Ang sakit kaya sa ulo ng mga taong nagtsitsismisan sa kanto. Akala mo eh may mapapala sila kapag siniraan nila ang kapwa nila o kaya kapag nakipagchikahan sila magdamag.
Umaga pa lang eh marami na akong nakikitang nagchichismisan sa daan. Hay, wala silang mapapala kung ganoon sila.
Hindi magandang maging chismoso/chismosa. Ang pangit kaya pakinggan lalo na kapag sinabihan ka na Hari o Reyna ng Katsismisan.
Basta, wala magandang maidududulot iyang tsismis na iyan. Sinisira mo lang ang imahe ng isang tao.
Tula ko..
Tsismis
By risingservant
Lumabas ka ng bahay
Ika'y walang kamalay-malay
Na ikaw ay binabayubay
At pilit nilang sinisira ang iyong buhay
Pagdating sa daan
Mga kapitbahay na nagkukumpulan
Pinag-uusapan si ganito ganiyan
Pero ang totoo, na-iinggit sila sayo
Mga bungangang kay tatalas
Tanging tsismis lang ang ipinamamalas
Sa kanto nagpapakabalasubas
Pagdating naman sa sarili, wagas kung makapaghugas
Diyan ba kayo masaya?
Ang sirain ang buhay ng iba?
Hindi ka pa ba kuntento sa kung ano mayroon ka?
Pwes, ikaw na ang may problema
Kung gustong maging masagana ang buhay
Ang tsismis ay huwag isa-buhay
Ilibing mo na lang ang iyong tsismis sa hukay
Dahil ang masaganang buhay
Sayo'y nakasalalay
I hope po na nagustuhan niyo ang mumunting tula ko para sa inyo. Isabuhay po natin ang ating mga natutunan na mabuti.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik dito. I hope na marami kayong natutunan at nabuksan ko sana ang inyong isipan tungkol sa katotoohanan.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Halikayo at tingnan ninyo."
-Juan 1:39
Mas maraming nakakilala sa Panginoong Jesus nang dahil sa kagandahang-loob ng mga mananampalataya kaysa sa pagsasabi lang ng tungkol kay Jesus.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...
