Nakakalungkot lang na mayroon kang makita sa daan na babaeng sinasaktan ng kaniyang asawa.
Ang hirap lang ding isipin na ang tatlong taong gulang na bata ay tinuturuan na ng kaniyang magulang na makipagbugbugan.
Ang sakit isipin na hindi ka na mahal ng taong mahal mo dahil lagi ka na lang niyang sinasaktan, binubugbog at pinagbubuhatan ng kamay sa tuwing magkasama kayo.
Mayroong iba't ibang klase kung paano tayo makasakit sa tao. Pwedeng physically o verbally.
Ang pangit lang tingnan na tayo ay nananakit ng kapwa natin kaya as long as kaya mong kontrolin ang sarili mo na huwag makasakit ng ibang tao gawin mo.
Sana po ay maliwanagan kayo. Buksan niyo ang inyong isipan para magising sa katotohanan.
Tula ko..
Pananakit
By risingservant
Ang sarap mabuhay
Kontrolado mo ang mga bagay-bagay
Pero hindi ka mapalagay
Sa pananakit sa iyong nanay
Ang hirap masaktan
Tanging sakit at kalungkutan
Ang iyong kinalulugdan
Na dapat ay hindi iniiyakan
Bakit ka ba nananakit?
Diba dahil sa galit?
Ang ulo'y nag-iinit
Kaya feeling mo ika'y minamaliit
Ang pananakit ay walang patutunguhan
Sisirain lang nito ang maganda mong kinabukasan
Kaya mag-isip ng dahan-dahan
Upang ang sarili ay hindi malagay sa kapahamakan
I hope po na may natutunan kayo! Spread the love! And also the Word of God.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Ang pagtatama nila sa'yo ang magtutuwid ng iyong ugali."
-Kawikaan 6:23
Ang Biblia ay punung-puno ng babala para ingatan tayo.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...