Kalungkutan, iyan ang nag-uudyok sa isang tao upang gumawa ng mali.
Dahil sa kalungkutan, tayo ay lapitin ng tukso at kadiliman kaya tayo napapahamak.
Bakit ba nalulungkot ang isang tao? Depende, pero ang higit na sagot diyan ay dahil sa problema.
Binibigyan tayo ng Diyos ng mga problema hindi dahil gusto niyang pahirapan tayo, ito ay dahil gusto niyang may matutunan tayo.
Hindi naman nagbibigay ng problema ang Panginoon na hindi natin kayang lampasan. Kaya ang tanging sandata na ating pinanghahawakan ay pananampalataya.
Kung ikaw ay mayroong pananampalataya sa Diyos, mapagtatagumpayan mo ang lahat ng problemang pagdaraanan mo.
Gaano na nga ba ang level ng pananampalataya mo? Ang pananampalataya ay kaakibat ng pag-asa kaya as long as mataas ang ating faith kay God, mas full of hope pa tayo.
Kaya ang kalungkutan ay iwaksi natin sa ating buhay, sabi nga ni Ryzza Mae Dizon, "Bawal ang sad! Dapat, Happy!" Kaya always wear a smile.
Ang tula pong ito ay hango sa isang kanta. Anong kanta? Ang title po nung kanta ay Hesus by Aegis. Pakinggan niyo po siya sa youtube maganda po! Mag-eenjoy kayo.
Maaari mo ring i-play yung song sa gilid kung interesado ka.
------------------------------------------>
Kalungkutan
By risingservant
Ikaw ba'y nag-iisa?
Ikaw ba'y nalulumbay?
Dahil sa hirap mong tinataglay?
Kailan mo ng karamay?
Tumawag ka at siya'y naghihintay
Siya ang iyong kailangan
Sandigan
Kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus
Sa bawat sandali
Siya ang dapat tanggapin
At kilanlin
Sa buhay mo
Siya noon bukas ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus
Sa habang panahon
Kung ika'y nalulungkot ay sa tingin mo ay ikaw ay nag-iisa. Nagkakamali ka, nandiyan si Hesus lagi sa tabi mo kaya wala ka dapat ipag-alala at tumawag ka lang sa kaniya at siya'y tutugon sayo.
I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang aking mumunting tula na para sa inyo. I-apply po natin sa ating buhay ang ating mga natutunan.
--------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.
Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!
Comment and Vote po!
Let's Spread the Word of God!
Thank you!
Word of God
"Ang Panginoon ay kasama natin; huwag kayong matakot sa kanila."
-Bilang 14:9
Ang pagkaalam na kasama natin ang Diyos ay makakatulong upang hindi tayo tangayin ng mga problema.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
EspiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...