Sa panahon ngayon, usong-uso na ang katagang ito lalo na sa mga kabataan.
Ewan ko ba kung bakit nauso ang pambibitang na iyan. Ang nakakabahala pa ay maling tao naman ang iyong pinagbibintangan.
Kasalanan po ang pambibintang. Ito'y nakasaad sa Biblia na, "Huwag kang sasaksi sa bagay na hindi mo nakita o walang katotohanan."
Kaya po kung kayo ay ginagawa niyo ito para mapasama ang imahe ng isang tao, magbago ka na! Habang maaga pa.
Tula ko..
Pambibintang
By risingservant
Pagkagising sa umaga
Mukha na agad ang nakikita
Kaya ang maganda mong gising
Napapalitan ng ugali ng isang lasing
Napopoot ka sa kaniya sa tuwing siya'y nakikita
Kaya gumawa ng paraan para siya'y malamangan
Kinuntsaba ang kaklase
Para ito'y masisi
Nawala ang cellphone ni kaklase
Ang kinapopootan mo ang sinisi
At dahil siya ang katabi
Sa isip mo'y siya'y mamumulubi
Iwasan ang pambibintang
Ito'y walang mabuting maidudulot sa ating katawan
Maski na sa ating isipan
Kaya ito'y isantabi
At para hindi magsisi sa huli
Sana po ay natuwa at may natutunan kayo sa aking mumunting tula hehe..
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa lahat ng mga nagbabasa at nakakaappreciate nito.
Comment and Vote po!
Thanks!
Word of God
"Mapalad ang taong pinatawad na sa kaniyang kasalanan ang mga sala'y kinalimutan na ng Paginoon."
-Awit 32:1
Aminin ang kasalanan at mararanasan mo ang sayang dulot ng kapatawaran.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpirituellesLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...
