Forty Six - Sakripisyo

390 60 0
                                        

Handa mo bang isakripisyo ang iyong anak kagaya na lang ng pagsakripisyo ni Abraham sa kaniyang anak na si Isaac?

Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay para sa ikabubuti ng nakararami?

Kaya mo bang isakripisyo ang lahat ng iyong ari-arian na iyong pinagpaguran sa loob ng mahabang panahon para sa mga nangangailangan?

Kaya mo bang isakripisyo ang iyong sarili sa ating Panginoon para mapaglingkuran siya?

Ano ang kaya mong isakripisyo?

Kayong mga kabataan, ano ang kaya niyong isakripisyo?

Sa pakikipagrelasyon, nagagawa niyong isakripisyo ang inyong pag-aaral at kinabukasan para lang sa taong mahal.

Ganiyan ang karaniwang naririnig ko sa panahon ngayon kaya maraming out of school youth at maraming kabataan ang nagkakaroon na ng sariling pamilya kahit na bata pa sila.

Ang ating mga magulang ay isinasakripisyo ang maraming bagay. Kagaya na lang sa pagkawalay sa atin. Kumakayod sila sa ibang bansa upang may ipangtustos at mabuhay ang kaniyang pamilyang minamahal.

Higit na maraming isinasakripisyo ang ating mga magulang para sa ikabubuti at ikauunlad natin kaya sana naman ay suklian natin ito at hindi tayo magrebelde sa kanila.

Commitment means sacrifice.

Sa mga kabataan, kapag hindi masyadong nakakaahon ay tinipid pa ang kanilang baon o kaya nga minsan eh hindi na kumakain ng lunch para lang may maipangdate o kaya may maipangregalo sa kaniyang boyfriend o girlfriend.

At sa mga kabataang naglilingkod sa Panginoon, they sacrifice their time para lang mapagsilbihan ang ating Diyos. Ang bawat oras ay mahalaga kaya ipinagpapasaDiyos na lang nila ang lahat ng bagay na kanilang dapat gawin.

Kaya kung kayo'y tatanungin, ano ang maaari niyong isakripisyo upang makapaglingkod sa Panginoon?

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Hindi ba ninyo nalalaman na kayo ay templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo."

-1 Corinto 3:16

Ang Banal na Espiritu na nananahan sa mga mananampalataya ang garantiya na hindi sila kailanman nag-iisa.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon