Eighteen - Pandaraya

718 72 2
                                    

Maraming paraan at klase kung paano mandaya ang isang tao.

Hindi ko na iisa-isahin pa kung ano iyon dahil kayo, alam niyo na kung anu-ano iyon.

Pero sa pamamagitan ng pandaraya, naisip niyo bang kayo rin ay nadaya?

Nagpadaig kaya sa tukso at kasamaan kaya nadaya kayo ng kaaway at ngayon at parang napapasailalim na kayo ng kaniyang kapangyarihan dahil nag-eenjoy na kayo sa paggawa ng masamang gawain kagaya nito.

Huwag tayong magpasakop sa kasamaan bagkus kabutihan ang maghari sa ating buhay.

Tula ko..

Pandaraya

By risingservant

Ika'y dumako sa ibang lugar upang makipagsapalaran

Ang iyong kaperahan ay ginawang puhunan

Hindi ka nag-alinlangan

Dahil kampante ka na makukuha ang iyong kailangan

Pumasok sa isang sugalan

Noong una'y kinakabahan

Nang kinalaunan

Tuwang-tuwa sa iyong kinalulugdan

Ang iyong pinaglunanan ay idinagdag sa puhunan

Lumago ang iyong pinaghirapan

Ngunit kalaunan lang

Lahat ng ito'y natunaw sa iyong harapan

Hindi alam ang gagawin

Tila isang baliw na nagpaalipin

May naisip kang isang pain

Ang mandaya at sila'y talunin

Nang dahil sa pandaraya

Ika'y nakalaya

Tila isang mayang pagala-gala

Ngunit ika'y hindi na pinagpala

I hope po na ngustuhan niyo ang aking mumunting tula kaya po isabuhay natin ang ating mga natututunan.

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy na pagsubaybay! I hope marami kayong natututunan sa pagbabasa nito.

Comment and Vote po!

Thanks!

Word of God

"Mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay."

-Efeso 5:15

Iwasang maggugol ng maraming oras sa mga bagay na hindi naman mahalaga.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon