Thirty - Makasarili

530 75 8
                                    

Makasarili ka ba? Madamot? Ayaw magbigay? Haha! Masama iyan sa katawan!

Natutuwa ka ba kapag sinabihan ka ng selfish? Hindi diba? Eh pero bakit ganiyan ka? Haha!

Hindi po maganda kung magiging selfish tayo. Matuto tayong magbigay sa kapwa natin.

Yup, lahat naman tayo ay may tinatagong selfishness sa katawan.

Ako nga, kapag nasa school at may quiz at kinakailangan ng yellow paper o kaya eh 1/4 sheet of paper ayun tinatago ko yung akin! Haha! Kasi kapag nakalabas iyon, tiyak ubos isang pad mo! Haha!

Pero syempre, mali iyon! Matutong magshare! Hehe! Masarap sa pakiramdam na ikaw yung nagbibigay kaysa ikaw yung binibigyan.

Huwag tayong maging madamot. Kapag ang sisidlan mo ay puno pa, hirap dumating o pumasok yung blessing kaya kapag naubos ang blessing, may bagong darating! Share kung ano ang mayroon ka.

Makasarili

By risingservant

Napakamakasarili mo

Hindi mo na inisip ang ibang tao

Basta maayos ang kalagayan mo

Kaya hindi ka makatulong ni singko

Hindi ka rin nakukuntento

Basta lahat ng naisin mo

Gusto mong mapasayo

Para ka tuloy walang modo

Isang piraso lang ng kendi pinagdadamot mo pa

Papahirapan mo pa ang isang tao bago mo ito maibigay sa kaniya

Sana nagkapalit na lang kayo ng pwesto

Para hindi na umubra ang pagkaganid mo

May bait pa bang nagtatago sa iyong katawan

Sa tingin ko ay wala ng naiwan

Hindi na nila naatim

Na tumira sa kili-kili mong maitim

I hope po na nagustuhan niyo ang mumunting tula ko para sa inyo. Isabuhay po natin ang ating mga natutunan na mabuti.

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik dito. I hope na marami kayong natutunan at nabuksan ko sana ang inyong isipan tungkol sa katotoohanan.

Comment and Vote po!

Salamat!

Word of God

"Ipinapanalangin ko na lalo pang lumago ang pagmamahal niyo sa isa't isa."

-Filipos 1:9

Kung mahal natin ang Diyos, mamahalin din natin ang ating kapwa.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon