Nine - Pagsusugal

847 96 15
                                    

Oopps! May tinatamaan ba diyan? Hehe, pasensya na! Kailangan talaga eh haha!

Maraming klase o form ang pagsusugal. Sa mga bata, labanan ng gagamba! Naalala niyo pa ba? Haha!

Sa mga kabataan, kara krus! Lottery in English? Yata? Haha!

Sa mga matatanda, casino, card games, bingo, sabong at marami pang iba.

Talaga nga namang napakamakasalanan ng ating mundo. Kahit saan ka man dumako, mayroon at mayroon kang makikitang nagsusugal.

Ikaw ba? Nagsusugal ka rin? Tsk, magbago ka na!

Ang mga bata ay sa murang edad pa lamang ay natututo na sa pagsusugal sa pamamagitan ng pakikipagsabong ng kanilang gagamba.

Ang mga batang iyan ay wala pang masyadong muwang kasi ang alam nila ay nag-eenjoy sila pero kapag naglaon, lalaki silang sugalero/sugalera kaya patnubay ng magulang talaga ang kailangan.

Sa mga kabataang kagaya ko, kadalasan ay maraming klaseng sugal ang alam. Like kung sino ang mananalo sa basketball, sa boxing etc.

Sa mga tambay naman ay kara krus. Alam niyo na iyon! Matanda na kayo! Haha!

Sa mga matatanda naman, sila ang pasimuno sa lahat! Sa kanila din natuto ang kanilang mga anak lalo na kapag kinokunsinte pa nila ang mga ito o kaya naman pinabayaan na lang.

Bakit nga ba nagsusugal ang isang tao?

Kasi, nagbabakasakaling manalo! Lalo na sa malakihang tayaan kagaya ng Lotto!

Sabi nila baka swertehin pero hindi po totoo ang swerte. Kung sayo talaga ade sayo!

Lahat tayo ay may kanya-kanyang blessings at nasa atin din ang susi kung bubuksan ba natin ang pinto para kuhanin ang blessings na para sa atin.

Tula ko..

Pagsusugal

By risingservant

Oh Nena ika'y bata pa

Kaya magpakasay ka muna

Sa murang edad

Sa sugalan nagbabad

Natutong tumaya

Nang matalo'y nandaya

Ngayo'y naging bihasa

Kaya madalas magkasala

May balak ka pa bang magbago?

Kung gayo'y bilisan mo

Umupo sa sahig

Yakapin ang iyong bisig

Sa tamang daan lumakad

At sabihing, "Lord, Patawad!"

I hope nagustuhan mo kahit papaano! Enjoy!

-------------------------------------------

Elmo's Note:

May natutunan ba kayo? Haha! I hope so..

Comment and Vote po!

Salamat!

Word of God

"Pasakop kayo sa Diyos."

-Santiago 4:7

Ang pinakamagandang paraan para maipakilala ang Diyos sa iba ay mamuhay nang kalugod-lugod sa Diyos.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon