Forty Five - Katapangan

317 63 1
                                    

Katapangan! Ang salitang ito ang kadalasang wala tayo.

Mayroon kasing katapangan mayroon tayo na ginagamit natin sa kapwa-tao natin.

Halimbawa na lang nito ay kapag may kaaway tayo. Ang katapangang ating ipinamamalas ay mali.

Kagaya na lang ng mga bully. Napakatapang nila kung makapanakit ng kapwa na para bang wala silang kinatatakutan at pinaghaharian nila ang lugar na iyon.

Ang mga mayayaman, ang tatapang nila kung makalait sa mga mahihirap. Akala nila porket marami silang pera at magaling na sila at wala ng makakatalo pa sa kanila.

Sa mga babae, sa sobrang katapangan ay sinusugod pa ang kanilang kaaway kung nasaang lupalop pa man ito ng school o lugar nagtatago.

Dapat ang katapangang ipinapakita natin ay tama at nasa lugar.

Ang katapangang tinutukoy ko ay sa pagharap natin sa ating mga problema.

Hindi tayo bibigyan ni God ng isang problema o pagsubok na hindi natin kayang lagpasan. Ang mga ito ay ibinibigay sa atin upang tayo'y may matutunan kaya hindi tayo dapat sumuko. Harapin natin ito ng buong tapang. Tapang na nagmumula sa Panginoon at hindi sa kaaway.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Sina Pablo at Silas ay nananalangin at uma-awit ng mga himno sa Diyos, at sila'y pinapakinggan ng mga bilanggo."

-Gawa 16:25

Ang akala nating abala sa buhay ay gagamitin ng Diyos na oportunidad para makapaglingkod tayo sa Kaniya.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon