Fifty Two - Pagbabago

330 64 2
                                    

Gusto mo na bang magbago na? Pwes, ngayon na ang oras para simulan ito.

Iwasan mo na ang mga bagay na nakagawian mo noon.

Sa bahay, pagkagising sa umaga ay magdasal ka muna. Magpasalamat ka sa ating Panginoon dahil binigyan ka niya ng bagong umaga.

Tapos tumulong ka sa mga gawain sa bahay. Subukan mo sa unti-unting pagwawalis at paghuhugas ng pinggan.

Baka umalis ng inyong tahanan, magpaalam ka sa Parents mo. Kung maaari ay magmano ka sa kanila bago ka pumasok.

Pagkasakay sa sasakyan, magdasal ka ulit at humingi ka ng gabay sa ating Panginoon. Ipagdasal mo rin ang iyong sinasakyan at ilayo kayo sa kapahamakan.

Pagkababa ng iyong sinakyan at naglalakad ka na sa daan ay manalangin ka ulit. Hindi natin alam kung kailan dumarating ang panganib at pag-atake ng kaaway.

Pagkarating sa classroom, maging mabuting ehemplo at matutong rumispeto ng kahit na sino.

Lahat ng maling nakagawian niyo ay palitan niyo ng bago. Hangga't kaya niyong magbago ay gawin niyo.

Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo para ayusin ang buhay mo.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Makigalak kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko na ang pilak na nawala sa akin."

-Lucas 15:9

Upang matagpuan, dapat mo munang aminin na nawawala ka.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon