Forty Nine - Napagtanto

311 57 4
                                    

Napagtatanto natin ang isang bagay kapag nagawa na natin. Ano ang ibig kong sabihin? Simple lang, nasa huli ang pagsisisi.

Tayong mga tao ay madalas padalos-dalos kung mag-isip. Kaya sa huli, doon lang natin nalalaman kung mali ba ang ating naging desisyon.

Sabi nga nila, "Think twice!" At "Think before you click!"

Una nating pag-usapan ang "Think Twice!"

Sa bahay, karamihan sa isang pamilya ngayon ay hindi na sabay-sabay kumain dahil na rin sa kadahilanang hindi sila sabay-sabay umuwi.

Ang sabay-sabay na pagkain ang nagpapatibay sa samahan ng isang pamilya. Kami sa bahay namin, hindi kami kakain hangga't wala ang isang miyembro ng pamilya. Depende sa sitwasyon kung anong oras ba ito makakauwi.

Habang kumakain kasi ay maaari tayong magkwento sa ating pamilya ng good and bad experience natin. Dapat maging open tayo sa kanila.

Ngayon kasi, dahil sa hindi sabay-sabay na pagkain ay hindi naibabahagi ng isang anak ang kaniyang suliranin sa kaniyang magulang kaya nagiging mabigat ang kaniyang problema.

Malalaman na lang ng kaniyang magulang sa huli kapag nagkaproblema na.

Pangalawa sa paglilingkod. Mas masarap kapag ika'y naglilingkod sa Panginoon kaysa sa umaattend ka lang.

Ikaw ang makakapagdesisyon kung maglilingkod ka ba o hindi. Think twice!

Ngayon naman ay dumako tayo sa "Think before you click!"

Ang pag-uusapan natin ay tungkol sa pagpopost natin ng ating status sa Facebook at sa kung ano pa mang social networking sites.

Tama ba na patutsadahan mo ang iyong kaaway sa FB?

Dahil sa galit ay hindi na tayo makakapag-isip pa kaya post lang tayo ng post. Kapag nagkaaberya na, doon mo lang mapagtatanto na mali ang iyong nagawa.

Dapat pag-isipan nating mabuti ang mga ipinopost natin. Madalas ko kasing nakikita sa FB eh puro pambabatikos sa isa't isa, mga bad words at ang nakakalungkot pa ay mga SPG na hindi naaayon sa mga kabataan.

Dapat gamitin natin ang ating utak sa tamang paraan upang hindi tayo mapahamak.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

Laging nasa huli ang pagsisisi kaya ika'y dapat mag-isip ng mabuti.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon