Looks like interesting ang topic natin ngayon diba? Haha! Marami kayang makarelate? Let's see hehe!
PAGMAMAYABANG
-from the root word YABANG
Paano mo masasabing mayabang ang isang tao? May dahilan ba kung bakit sila nagyayabang?
Una nating talakayin kung paano masasabing nagyayabang ang isang tao.
Makikita mo naman sa kilos pa lang kung nagyayabang ang isang tao.
Here are some situations..
Kapag ang isang babae ay may bagong damit, bag, shoes at todo ang pagrampa sa school, mall, park etc. At ang nakakabanas pa doon ay ipinagsisigawan pa sa bawat sulok ng mundo ang brand nito.
Hay, ang sakit lang sa ulo lalo na kapag tiningnan pa ang comparison niyo diba? Haha!
Pangalawa, kapag exam naman o kaya quiz! Yung kaklase mong sasabihing mas mataas yung score niya kaysa sayo tapos nangopya lang! Kapal ng mukha! Haha! Ang sarap lang ipukpok sa pader haha! Joke lang!
Nakaencounter na ako ng ganitong tao. Sa totoo lang ay every exam ganun lagi! Haha! Natatawa na lang tuloy ako kapag naiisip ko iyon lagi.
Pangatlo, yung mga taong mahahangin diyan sa paligid. Haha! Sensya na kung may tinatamaan hehe! Peace!
Dumako naman tayo sa ilang kadahilanan kung bakit ba nagyayabang ang isang tao.
Una sa lahat, nagpapansin! Hahaha!
Sila yung mga attention seeker! Sila yung gusto lagi ay nasa kanila ang attention ng madla. Feeling Artista kumbaga hehe!
Pangalawa, nagpapakitangilas kay crush!
Eto ang kadalasang dahilan ng mga lalaki kaya nagyayabang sila para mapansin ni Crush.
Pangatlo, gusto nila ay lagi silang nasa taas!
Ayaw nilang may nakakalamang sa kanila kaya gusto nila ng Competition ayan tuloy kinakalabasan nagiging mayabang sila.
Kung isa ka sa kanila, pwes, magbago ka na hanggang maaga pa!
Tula ko..
Pagmamayabang
By risingservant
Hindi naman masama
Kaso huwag ka namang napangaya
Maski sapatos na bago
Ay nagiging antigo
Over confident ba kamo?
Hay, uminom ka ba ng gamot mo?
Maging mapagpakumbaba ka naman
Tiyak, mas masaya maging ganiyan
Hahaha! Ang corny ng naisip kong tula pero sana kahit papaano ay nagustuhan niyo! Hehe!
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Be humble po! Huwag maging mayabang! Masama iyon sa katawan haha!
Tandaan niyo:
"Ang taong nagpapakataas ay siyang binababa, ngunit ang taong nagpapakababa ay siyang itinataas."
Word of God
"Call unto me and I will answer you and show you great and mighty things you do not know."
-Jeremiah 33:3
God Blessed Us!

BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...