Thirteen - Hindi Pagsisimba

1K 100 16
                                        

Napakaraming tao ngayon ang hindi nagsisimba dahil marami silang kaniya-kaniyang rason.

Busy daw, mastadong malayo yung simbahan, tinatamad, may pupuntahan at kung anu-ano pang palusot ang alam.

Alam niyo bang kasalanan ang hindi pagsisimba? Nakasulat sa sampung utos ng Diyos na "Keep the Sabbath Day Holy" kaya walang sinuman ang dapat magtrabaho at siya lang ang dapat gunitain sa araw na iyon.

Sabi ng Professor ko sa.Humanities ay ok lang daw kahit hindi ka magsimba dahil kahit saan naman ay mafefeel mo yung presence niya once na tumawag ka sa kanya.

Mali po iyon, still, mas mahalaga po na magsimba tayo tuwing linggo dahil utos ito na dapat sundin.

Napapansin ko lang na karamihan sa mga kabataan ay hindi sumasama sa mga Parents nila kapag nagsisimba. Bagkus ay nagpapaiwan sila para magsaya kasama ang barkada.

Bihira na lang ngayon na makakakita ka ng isang buong pamilya na magsisimba. Alam niyo yung feeling na ganun, nakakablessed po sobra! Ang sarap sa pakiramdam na isang buo kayong pamilya na dadalo sa simbahan.

May isa pa akong napansin, kapag ang isang kabataan ay magsisimba tapos masyadong maporma o bihis na bigis talaga, isa lang ang ibig sabihin nito, iba ang pakay nila sa simbahan.

Sa mga kabataan na nakatambay sa labas ng simbahan at hindi nakikinig sa nagsasalita may iba iyang pinagkakaabalahan.

May ibabahagi lang ako sa inyong kwento na na-experience ko na sumama sa pinsan ko na magsimba sa Catholic Church.

Aba nagulat ako kasi hindi man lang kami pumasok sa loob ng simbahan at nandoon lang kami sa labas.

Makikita mo sa labas ng simbahan ang mga kabataang sweet na sweet sa isa't isa. May mga nagfifling sa paligid at marami pa akong nasaksihang nakakagulat.

As a Born Again Christian, natutuwa ako kasi nakafocused talaga kami kay God kapag nagsisimba. Kung Praise at Worship, Praise and Worship talaga at walakang makikitang palakad-lakad sa paligid walang hindrance kumbaga.

Talaga nga namang gabay at tamang disciplina ang kulang sa mga kabataan ngayon kaya marami ang napapariwara at naliligaw ng landas.

Tula ko..

Hindi Pagsisimba

By risingservant

Nakasulat sa Biblia

Sa araw ng linggo'y dapat magsimba

Dahil ito'y araw ng pamamahinga

At ito ang araw para gunitain natin siya

Walang mawawala

Bagkus ika'y magiging pagpapala

Basta buksan ang iyong puso

At hayaang maghari siya dito

Ang hindi pagsisimba

Tandaan, nagkakasala ka

Hindi ka sumusunod sa utos ng Diyos

Kaya ang buhay mo ay hindi maayos

Ang sarap sa pakiramdam

Para kang naliligo sa maligamgam

Kapag lumalawak ang iyong mga alam

Sa salita niyang malinamnam

Saan ka pupulutin

Sa banging malalim

Kung hindi mo kayang sundin

Ang kaniyang habilin

Hehehe! I hope nakatulong ang tula ko sa inyo kahit papaano thanks!

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy na pagtangkilik dito sa mini discussion and advice natin hehe!

Comment and Vote po!

Thank you!

Word of God

"Kayo'y magalak, yamang kayo'y nakikibahagi sa mga pagdurusa ni Cristo."

-1 Pedro 4:13

Pagpapalain ng Diyos ang mga nagpapasalamat sa kanya nang dahil sa mga pagsubok.

-ODB

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon