Ang ating pag-uusapan ngayon ay tungkol sa MASAMANG PAG-IISIP.
Ano nga ba ang ibig kong sabihin sa masamang pag-iisip?
Ang gusto ko lang namang tumbukin ngayon ay ang mga nilalamang ng utak natin tuwing tao ay kinikilig o kaya naman ay kapag galit.
Unahin na natin ang kilig. Sa tuwing nakakabasa tayo ng mga hindi mainam na babasahin like BS ganiyan. Ano ba naiisip niyo? Syempre kung ano mismo yung isinasalaysay sa binabasa niyo.
Be wise in choosing what are you going to read. Sa kilig naman, dahil sa sobrang pagpapantasya ni girl kay boy ay kung anu-ano na ang lumalaro sa isip niya. Hindi ko na palalawakin pa dahil alam kong naiintindihan niyo na kung ano ang ibig kong sabihin at mapag-uusapan din natin iyan.
At in a way galit tayo. Ano ba ang iniisip ng isang tao kapag galit siya sa isang tao?
Diba may possibility na halos patayin niya na ito sa kanyang isip dahil sa sobrang poot?
Masama po iyan! Alam ng Diyos ang nilalaman ng ating isipan kaya ang mga bad thoughts ay palitan ng good thoughts ok?
I hope may natutunan ka sa mini discussion natin hehe!
Tula ko..
Masamang Pag-iisip
By risingservant
Oh Basta
Tuwang-tuwa sa pagpapantasya
Habang nakahiga
Kinikilig-kilig pa
Ang lalaking gusto mo
Sa panaginip nakukuha mo
Patalon-talon dito
Nakalimutan ng gawin ang trabaho mo
Ang mapaglaro mong imahinasyon
Daig mo pa ang nagpapasyon
Tila nakalimutan mo na ang iyong misyon
Sa pag-eenjoy sa bakasyon
Ang masamang pag-iisip
Sa linta'y ipasipsip
Upang sarili mo'y masagip
Sa masalimuot na panaginip
Hahaha! Sana ay nakarulong sa inyo ang mumunti kong tula. Salamat!
-------------------------------------------
Elmo's Note:
I hope nagustuhan at may natutunan po kayo hehe! Enjoy lang po.
Comment and Vote po! Salamat po!
Word of God
"Alam mo ba ang mga tuntuning umiiral sa kalangitan? Ito kaya'y maipaiiral mo dito sa mundo?"
-Job 38:33
Ang Diyos na nag-iingat sa mga bituin, ang siya ring nag-iingat sa atin.
-ODB
Copyright © risingservant
All Riggts Reserved 2014
![](https://img.wattpad.com/cover/14934538-288-k222933.jpg)
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
EspiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...