Walang pakialam sa iba in English, Self-centered.
Huwag tayong mabuhay na parang mayroon tayong sariling mundo. Dapat, makihalubilo naman tayo kahit papaano.
Sabi nga sa Biblia, "Pakainin ang lahat ng nagugutom at Painumin ang lahat ng nauuhaw." Kaya kung may nangangailangan ng tulong, at kaya naman nating tumulong, ade tumulong na tayo kaysa naman nagbubulag-bulagan tayo na parang walang nakikita.
Ang point ko lang naman, "No man, is an island." Kaya nga hindi ka mabubuhay mag-isa at makakasurvive kung sarili mo lang ang iniisip mo. Dapat may pakialam ka rin sa mga taong nasa paligid mo at dito sa mundo.
Tula ko..
Walang Pakialam
By risingservant
Ika'y naglalakad sa daan
Nakakita ng batang abala sa kaniyang pinagkakakitaan
Tinanong ka kung gusto mo nito
Ngunit dinuruan mo lang ang inaalok niya sayo
Batang nanlilimos sayo'y nanghingi
Para kang bingi at tila napipi
Tinulak ito sa sahig
At binungangaan pa siya ng iyong bibig
Matandang tumatawid
Ika'y tila naumid
Mga bitbiting mabigat
Pinabayaan mo na parang lumulutang sa dagat
Ano ba ang gusto mong iparating?
May nais ka bang sabihin?
Akala mo kung sinong mahinhin
Yun pala, daig pa ang isang pating
I hope na nagustuhan niyo po ang aking mumunting tula. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Makigalak kayo sa mga nagagalak at makiramay kayo sa mga naghihinagpis."
-Roma 12:15
Napaparangalan si Jesus sa pagmamalasakit sa iba.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014

BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
EspiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...