Sa panahon ngayon, nakakalungkot lang kasi marami akong nakikitang mga bata na dalawang taon pa lang ay sanay ng magmura.
Ang mas nakakalungkot pa ay Nanay, Tatay, Kapatid o kaya ay kamag-anak pa ang nagtuturo sa kanila.
Sadyang napakamakasalanan na nga talaga ng ating mundo. Ikaw, may maitutulong ka.
Ako, at dahil Born Again Christian na ako since birth ay hindi natutunan ang pagmumura. Wala naman kasi itong mabuting maidudulot sa aking maganda kaya hindi ko pinapansin ang paggamit ng bad words.
Ewan ko ba kung bakit napakaraming tao ang enjoy at gumagamit ng bad words. Some says, way of expressing themselves daw.
Oo madalas ako makarinig ng bad words sa iba't ibang klaseng tao pero hindi naman nila ako naimpluwensyahan na magsalita rin ng ganun.
Ang nakakalunkot lang din ay napakalulutong kung makagamit ng bad words. Ang sakit sa tenga at syempre, ang sakit sa damdamin.
Kaya po kung kayo ay madalas gumamit ng bad words, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo ay magbago na kayo.
Isa pa, ayokong nakakabasa ng isang story na maraming bad words. Mabait po kasi ako haha! Pero seriously, wala kayong mababasa ni isang bad word sa mga story ko kasi nga po, hindi ako sanay gumamit nun!
Magbago ka na habang maaga pa.
Tula ko..
Pagsasalita ng Masama
By risingservant
Hindi ka ba napapagod?
At tila ika'y nagpapakalunod
Sa iyong pang-araw-araw na buhay
Parang wala kang kamalay-malay
Hindi ka ba nagsasawa
Buka ng iyong bibig ay masasama
Tila hindi maganda ang tabas ng iyong dila
Kaya sa iyong kalusugan ito'y nakakasama
Tila nasanay ka na
Pagsasalita ng masama ang bungad tuwing umaga
Mura dito mura doon
Ang sakit pakinggan lalo na't nakakasakit pa
Bakit ba sa murang edad ay sanay ka na?
Ang nakakalungkot pa ay bata ka palang tinuturuan ka na
Kaya ngayong paglaki mo
Bihasa ka na sa paggamit nito
Iwasan natin ang paggamit nito
Wala namang magandang maidudulot ito sa tao
Napapasama lang ang imahe mo
Kaya habang maaga pa
Ika'y magbago
I hope na may nattutunan ka sa tula ko kaya dapat isabuhay mo ito at ika'y magbago.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
I hope ay nagustuhan niyo po ang aking mumunting tula. Salamat sa patuloy na pagsuporta.
Word of God
"May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa, may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang."
-Mangangaral 3:4
Anuman ang nangyayari sa buhay natin, kailangan nating magtiwala sa Diyos upang maharap natin ito nang maayos.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
EspiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...