Thirty Two - Maluho

485 63 2
                                    

Suggested by one of my reader and also my co-Christian kaya sana magustuhan mo.

Sino ba ang kadalasang maluho? Diba ang mga may kaya at mayayaman? Alangan naman yung mga walang kaya haha!

Alam niyo iyon? Yung taong wagas kung makawaldas ng pera? Kaklase ko iyon! Haha!

Sa umaga, kakain kami sa Canteen ng Shawarma tapos biscuits, at mga kutkutin para habang nagkaklase ay kumakain kami hehe..

Kapag Lunch, kakain sa Jollibee o McDo, then bacon and egg sandwich pa?

At hindi lang iyon, bago umuwi ay pupunta pa sa Robinson para maglibot at kumain at kung ano pa!

Dati, sama-sama kami sa kung saan-saan pero ngayon, minsan na lang, kailangang magtipid eh hehe..

Kaya kung wala kang mapaggamitan ng iyong pera, itabi mo na lang huwag yung gastos ng gastos para kapag may kailangan ka, mabibili mo ng hindi humihingi ng pera sa Parents mo diba?

Tula ko..

Maluho

By risingservant

Waldas ka nang waldas

Dinaig mo pa ang mga patay tuwing undas

Kain dito kain doon

Kain lang nang kain kahit saan maparoon

Hingi ka ng Hingi sa iyong magulang

Pwede ka namang mag-ipon dahil baon mo'y sobra pa at hindi kulang

Kaya matutong magtipid

Nang hindi mawakwak ang iyong litid

Huwag maging maluho

Pera'y ipamahagi mo

Kailangan ito ng kahit sino

Kaya i-share ang blessings mo

Masarap makihalubilo

Tawanan kasama ang mga kaibigan mo

Kakuriputan ay iwaksi mo

Para masayang mamuhay paroon man o parito

I hope na nagustuhan niyo po ang aking mumunting tula. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.

Comment and Vote po!

Salamat!

Word of God

"Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kaniyang aanihin."

-Galacia 6:7

Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon