Max's POV
"Boss, may dalawa pang pahabol." Saad sa akin ni Baldo, isa sa mga unit receiver ng aking negosyong pinapatakbo ngayon.
"Okay, parehong design pa rin ba?" Tanong ko kay Baldo.
"Opo Bossing. Mukhang nagustuhan nila ang unang release kaya may ipinahabol." Nakangising saad ni Baldo.
"Good! Wag mag aksaya ng oras, ipatrabaho kaagad yun para consistent tayo sa efficiency sa mga gawa natin." Utos ko kay Baldo.
"Yes Boss!" Saad nito na nagsalute pa at tsaka tumakbo patungo sa warehouse.
Isang taon na ang nakalipas mula ng makabalik ako galing US. Pitong taon din ang tiniis ko doon dahil pinag-aral ako ni mama doon sa Yale University. Nandoon naman kasi ang lolo ko sa Connecticut kaya doon ako pinag-aral. Nakapasa din naman ang background ko in regards with educational attainment ko dito sa pilipinas. Kahit nakapagsimula na ako ng college, 2nd year ay umulit ako mula first year doon sa Yale dahil hindi nila tinanggap ang credentials ko yung pag-aaral ko ng dalawang taon sa pilipinas.
Architecture naman ang kinuha ko pero labag yun sa kagustuhan ni Mama. Galit na galit ito ng architecture ang kinuha ko dahil ang gusto nito ang business administration ang kukunin ko para daw makatulong ako sa kuya ko. Wala naman akong kahilig hilig sa negosyo namin, bahala na si Kuya dun.
Itong negosyo ko naman na itinayo ko ay isang auto remodeling shop. Pero hindi na siya matatawag na shop dahil may malaking warehouse kami para sa pagawaan ng mga sasakyan. Meron din akong three story building silbing opisina ko at mga ibang office staff ko. Nang grumaduate kasi ako ay naging cum laude kasi ako sa Yale kaya sa laki ng tuwa ni Lolo sa akin ay binigyan niya ako ng puhonan para sa gusto kong negosyo.
Hindi alam ni Mama na isang pagkakamali ang pagpadala niya sa akin sa US kasi imbes na maputol sungay ko ay mas lalo pang humaba at tinubuan pa yata ako ng buntot. Kunsintidor kasi ang lolo ko at dahil sa magaganda ang grades ko doon ay pinapabayaan ako nitong gumala sa labas kasama ang mga kanong mga kaibigan ko. Kaya doon, mas lalo akong nahilig sa drag racing at mga sasakyan. Sobrang cool ang drag racing doon dahil mga ferrari, lam, Bugatti, audi lang naman ang mga pangkarera doon.
Kaya kahit sa negosyo ay tungkol parin sa mga sasakyan ang itinayo ko. Syempre hindi ko naman kaya ang maging creator ng bagong brand ng sasakyan dahil hindi naman ako saksakan ng yaman kaya remodeling ang itinayo ko. Yung Mama ko na hanggang ngayon ay tutol sa negosyo ko. Ang totoong dahilan naman talaga kung bakit tutol ito eh dahil panlalaki kasi ang negosyong ito at pinagbibintangan pa ako nitong tomboy daw ako. Dahil lang ba ganito ang mga pormahan ko ay tomboy na kaagad? Di ba pwedeng boyish lang muna?
Agad naman na nagclick itong negosyo ko lalo na yung mga kliyente ko na mayayaman na mahilig sa payabangan ng kotse. May natanggap pa nga ako na gusto ay yung kay Batman ang design ng sasakyan. Ginawa naman din namin dahil magagaling naman din ang mga tauhan ko. Mga mechanical engineers ang mga ito na mahilig sa mga sasakyan kaya sa akin ang bagsak nila. Tsaka malaki din kaya akong magpasahod kaya loyal ang mga ito sa akin.
Pumasok na ako sa opisina dahil marami pa akong mga pipirmahang mga papeles lalo na ang mga request ng mga materyales sa warehouse. Laking pasalamat ko na lang dahil nagclick itong negosyo ko dahil kung hindi, lugi ako sa gastos dito at di ko pa mababayaran yung bigay ni lolo sa akin para puhunan and worst, matutuwa si Mama.
"Boss, ito na po yung compilation ng mga receipt for reimbursement. Paki issue na lang po ng check pagkatapos niyo pong masuri." Saad naman ng aking assistant na si Reena.
"Sige lagay mo na lang diyan. I'll check after this." Saad ko na hindi na ako nag-abalang magtaas ng tingin.
Inilapag naman nito sa mesa ang file at tsaka lumabas na rin ito para bumalik sa kanyang desk.
Tumunog naman ang aking cellphone at tiningnan yun kung sino ang tumatawag. I saw the name of my cousin na si Chrome. Adik din ito sa mga sasakyan at ito ang kasa-kasama ko dati sa drag racing sa may alabang. Ano kaya kailangan nito ba't napatawag? Sinagot ko yun.
"Chrome?" Agad na saad ko sa cellphone, naka speaker lang ito dahil abala pa ako sa pagpipirma.
"Max! Long time no talk! Ang yaman mo na siguro kaya ka na nagpapakaburo diyan." Pang-aasar nito kaagad sa akin.
"Hoy gago! Tumawag ka lang ba para sa walang kuwentang bagay? Sinasayang mo oras ko!" Bulyaw ko naman rito at akmang papatayin na ang cellphone.
"Hoy, teka teka. May sasabihin ako sayo." Pigil naman nito sa akin.
"Ano?!" Angil ko naman rito. Naasar ako rito dahil ang dami kong ginagawa tapos tatawag tawag pa para lang mambuwiset.
"Di ba sabi mo balak mong makipagpartner sa malalaking car companies?" Tanong ni Chrome sa akin.
Napataas naman ang kilay ko. Paanong nalaman nito ang balak ko? Hindi ko naman sinabi rito yun. Maliban na lang kung naikuwento ito ng kuya ko sa kanya.
"O ano ngayon?" Tanong ko naman rito.
"Kilala mo yung Raccini Empire?" Tanong nito sa akin.
Natural kilala ko. Sino ba naman kasi ang walang may alam sa Raccini Empire? Sila lang naman ang pinakamayan sa buong dubai. Pag-aari nila ang mga malls, banko, hotels, restaurants, resorts at luxury car company.
"Oo naman. Kilala sila ng lahat. Bakit mo naman naitanong?" Tanong ko ulit dito.
"Eh kasi balitang balita sa TV na ilalaunch na nila ang branch ng kanilang luxury car business na nakabase sa dubai. Magtatayo sila ng branch dito sa pilipinas since hirap ang pagpasok ng mga luxury cars dito dahil wala naman direct seller." Paliwanag nito sa akin.
Napabuntong hininga naman ako. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Gusto lang naman nitong pasukin o kontratahin ang Raccini Empire.
"No way. Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin. There is no way Chrome. Do you think they will need me? My company? Daan daan ang kanilang architect and designers na malamang sampung beses na mas magaling pa sa akin. They also have their own factory and warehouse. They are legends, this plan is too ambitious." Saad ko rito.
"I know, but there is no harm on trying. Malay mo baka kontratahin ka so you should try to set an appointment with them." Sagot naman nito.
Muntikan na akong mapasabunot sa sarili kung buhok. Kung magsalita ito eh parang pinabibili lang ako ng kendi sa tindahan. Lakas manulak ni hindi naman alam kung gaano ka hirap ang situwasyon. Those big company, they do not prefer outsourcing dahil pinapangalagaan nito ang mga impormasyon. Lahat ng mga bagay na nakapalibot rito ay in house lahat. Talagang hindi ito nag-iisip.
"Chrome you know tigilan mo ako sa kalokohan mo. Hindi ako makikipagkontrata sa mga Raccini. They don't need me and they don't need outsourcing service." Saad ko rito. "I'll hangup now." Saad ko rito at hindi ko na hinintay pa na makasagot ito.
Ambisyoso din yun kasi. Kung gusto niya yun ay di gawin niya. Ako pa talaga ang itutulak. Natapos ko na rin pirmahan ang mga papeles kaya ang mga resibo naman ang chineck ko isa-isa at gumawa ako ng breakdown and trial balance. Marunong naman ako sa accounting dahil nag crash course ako. Meron naman akong accounting department pero sa mga ganitong bagay ay dapat dumaan ito sa akin para icheck bago pa ito makarating sa accounting.
The day was finished as usual. Office hours namin ay up to five pm lang pero ang warehouse hanggang nine pm ang mga ito. Syempre willing din sila dahil paid overtime ang mga yun. I am happy right now with my achievement at sana magtuloy tuloy na yun.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romantik|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...