Chapter 31 ♦️ Wild

27.4K 1K 48
                                    

Max's POV

Narating namin ang ang isang sikat na club sa BGC. It's a first class club na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapasok dahil may membership doon. Hindi pwede doon ang walang membership, not unless you are accompanied by a member in the club.

Kate obviously is a member of this club. Party girl din kasi ito kaya ako ay sabit lang.

Agad kaming pinapasok sa loob. Agad na sumalubong sa pang-amoy ko ang pinaghalong alak at pabango. Napangiwi ako dahil medyo matagal din ng huli kong naamoy ang ganitong klaseng amoy. Hindi ko type ang amoy, pero kaya ko naman tiisin.

Agad na napansin ko na nagsilingunan ang mga panauhin doon, yung sumasayaw man o nakaupo o nakatayo. Pero binalewala ko na lamang yun dahil babantayan ko pa itong si Kate dahil baka magwala ito. Or worst, ako yung magwala. Agad na umupo kami sa isang bakanteng VIP table doon at agad na may lumapit sa amin na waitress. Maganda ito at medyo sexy din ang damit. Typical uniform of a waitress in a club.

"Can I take your order miss?" Nakangiting tanong nito sa amin.

"2 martinis." Sagot naman ni Kate at agad naman natumalima ang waitress.

Nakikiramdam lang ako sa paligid at panay kita ko sa mga tao doon na panay din ang tingin da dereksyon namin. Can't they look to a different direction? Medyo nainis ako dahil alam ko na ang tumatakbo sa mga utak nila.

"Everybody is looking at us. Patunay lang na sobrang ganda natin." At humagikgik pa ito na tila tuwang tuwa na pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Nakakailang na pagtitinginan ka ng mga tao.

"They are looking at us because they are planning to hit on us. Yun ang malinaw sa akin. Wag lang silang magkamali dahil tatamaan talaga sila sa akin." Nakasimangot na sagot ko rito. I maybe wearing this killer heels but I can still kick some ass.

"Hi!" Napalingon pa ako bigla ng may umupo sa tabi ko at nakangiting lalaki. Magandang lalaki ito but not enough to get my attention.

Tumango lang ako habang si Kate naman ang bumati dito.

"Hello! Pasensyahan mo na ang kaibigan ko. Talagang ganyan yan." Saad pa nito na tila hindi ko narinig ang pinagsasabi niya.

"Oh, that's fine...I noticed kayong dalawa lang. Do you want to join our table?" Yaya pa nito sa amin na sa akin naman nakatingin.

Kita na nga na may table kami, yayayain pa? Bakit hindi yung mga taong nakatayo lang at walang table ang yayain nila?

"Were fine here." Malamig na sagot ko sa kanya. Alam ko na papayag si Kate pero hindi ako papayag. They can just mind their own business at wag nila kaming guluhin.

Halatang napahiya ang lalaki dahil bumadha iyon sa kanyang mukha kaya napakamot ito ng ulo at nagpaalam na babalik na ito sa kanilang mesa. I saw how his friends teased him, like a loser. Sabi ko na nga ba, they are up to no good.

"Grabe, ang suplada mo naman. Ako itong brokenhearted sa ating dalawa pero asal broken ka Max." Di makapaniwalang saad nito na ikinataas ng kilay ko.

"Anong asal broken doon na pinalayas ko lang siya dahil alam ko na nagpupustahan lang ang mga yan kung papayag tayong sumama sa kanila. And we don't know them." Sagot ko sa kanya. Kaya hindi ako nagpapakalasing sa isang club dahil sa dami ng kwentong nabasa ako about a girl getting wasted at a bar at pagkagising sa umaga, may katabing lalaki na at may nangyari. I know it's just in fiction pero hindi yun malabong mangyari dahil in the first place, a story won't be created kung walang basihan sa totoong buhay.

"God, you sounded like it happened to you." Napapailing naman ito ngayon sa akin.

"It doesn't take one to know one. General knowledge yun Kate."

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon