Chapter 38 ♦️ Davao City

26K 977 86
                                    

Max's POV

I took my sunglasses off as I reached the baggage area here in Bangoy Interntional Airport. I landed safely with Cebu Pacific. The flight is full but I am used to it.

Marami din mga tao na naghihintay sa kanilang mga bagahe na lalabas sa conveyor. Kanya kanyang kuha lamang sila ng bagahe hanggang sa nakita ko na rin ang sa akin.

Mabilis ko iyong dinampot dahil isang maleta lang ang dala ko. I originally planned to just bring a hand carry bag, pero si Kate nagpupumilit na palitan ang mga damit na dala ko. She was complaining about my image as the president of Transformer Inc. Wala akong magawa kundi ang dalhin ang mga gusto ni Kate. Dresses and stuffs.

Pagkalabas ko sa exit ay nagkapilahan pa para sa taxi kaya naghintay na rin ako. I don't know anyone here in Davao City. To be exact, this is my first time being here kaya medyo natatakot ako dahil wala akong kasama. But they said, Davao is safe at mababa ang crime rate dito kumpara sa Maynila.

Mga ilang minuto din ang hinintay ko bago ako nakasakay ng taxi.

"Asa ta ma'am?" Tanong ng driver.

Hindi ako sigurado sa tanong niya pero palagay ko ay nagtatanong ito kung saan ako bababa. Ganoon naman talaga ang mga cab drivers kahit saan lupalop.

"Sa Park inn Hotel, SM Lanang kuya." Sagot ko rito. I was instructed that this will be the Hotel for all the guest at sa SMX Convention center gaganapin ang business fair.

Wala akong ideya kung saan ito, basta wag lang akong iligaw ng driver.

"Okay ma'am." Sagot naman ng driver.

Pinaandar na ng driver ang sasakyan at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi ganoon kalaki ang airport ng Davao but it's decent and clean. Napatingin din ako sa isang building doon na may nakalagay na Jose Maria College.

The driver made a straight path and I experience traffic but not as heavy in Manila. Malayong malayo ang itsura ng Davao sa Maynila. There are fewer tall buildings. Mostly, they have three story building unlike in Manila, aabot pa ng fifty floors or more.

Marami din akong nakikitang nga kainan sa gilid gilid. May kambingan at balbacuahan. Lumiko kami sa isang over pass at dumaan kami sa isang four lanes road.

"Kuya, anong lugar na po ito?" Tanong ko sa driver.

"Ay, dili ka taga davao ma'am?" Tanong nito sa akin.

"Po?" Hindi ko siya maintindihan.

"Ay sorry ma'am, di pala kayo nakakaintindi ng bisaya. Hindi pala kayo taga davao ma'am." Nakangiting sagot ng driver sa akin.

"Ah, okay lang. Oo kuya, first time ko dito sa Davao." Sagot ko naman dito. Mabuti naman at mabait ang driver.

"Nasa buhangin na tayo ma'am. Dadaan tayo sa Dacudao Flyover at tsaka tutungo tayo sa SM lanang." Sagot nito sa akin.

"Ah..." tanging naging tugon ko.

Nakontento na ako sa panonood sa labas, habang may musika naman sa sasakyan. It's a mix of old and new songs at napansin ko na lang na nasa sinasabing flyover na nga kami at umikot ang sasakyan doon at panibagong daan na naman ang tinatahak namin.

"Ito yung Bajada ma'am, straight lang tayo at mararating na natin ang SM Lanang." Kuwento naman sa akin ng driver.

"Okay po kuya, salamat." Sagot ko rito.

Hindi nagtagal ay nakita ko na nga ang pamilyar na kulay at istraktura ng SM Malls. Pare-pareho lang naman kasi ang kulay at istraktura ng mga ito. Dumaan kami sa isang entrance na may guard house dahil yun daw ang daanan ng mga papuntang hotel.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon