Chapter 35 ♦️ Discovered

26.5K 921 48
                                    

Max's POV

Kunot noong napababa ako ng sasakyan ng makita ko si Baldo doon na may kausap na tila kliyente. Ano ang ginagawa ng isang yan dito?

Bago ko pa ito natawag ay nakita na niya ako at agad na lumiwanag ang mukha nito. Tss, parang bading.

"Boss!" Ang lawak ng ngiti nito tsaka nagpaalam ito sa kausap at tumatakbong pumatungo sa akin. "Nakabalik ka na pala boss!"

Napakunot naman ang noo ko. Parang tanga lang. Hindi naman ako umalis kaya anong pinagsasabi nito?

"Kumusta na Baldo?" Normal na tanong ko kahit nagtataka talaga ako kung bakit siya nandito. Nag-apply ba siya kay Chase at dito na ulit siya nagtatrabaho ulit? Wala man lang akong kaalam-alam.

Masayang masaya ang mukha ni Baldo na nakita ako.

"Okay pa sa alright, boss. Buti naman at nakauwi ka na. Matagal-tagal ka rin wala dito. Akala talaga namin magsasara na ito ng tuluyan, pero nakuha mo pala ulit boss, ilang araw lang ang nakakaraan. Pero hindi ka man lang nagpakita sa amin." Sagot pa nito na nagpalalim ng pagkakakunot noo ko.

"Anong ibig mong sabihin Baldo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Naguluhan ako sa mga sinasabi niya. Parang may hindi ako alam na nangyayari.

"Nagka-amnesia ka ba boss? Di ba ibinenta na ito ni Mr. Jaio? Pero nakuha mo ito ulit mga ilang araw lang ang nakakaraan, kaya nakabalik kaagad kami. Si boss Chrome nga ang pinabantay mo dito at tumulong sa amin. Siya ang temporary boss, gaya ng sabi mo raw boss." Sagot nito sa akin at ngiting ngiti pa.

Tila hindi nagproseso sa utak ko ang mga nangyayari. Gulat na gulat ako dahil wala akong alam dito. All I thought was I already lost this. Pero bakit si Chrome?

Gusto kong magtanong ng marami pero hindi ko ginawa. Hindi ko masyadong pinahalata na nagulat ako, sa halip ay ngumisi lang ako.

"Inalagaan ba ito ng pinsan ko?" Pasimpleng tanong ko kahit nangangati na akong umalis at sugurin si Chrome.

"What is happening?" Tanong ni Kate na alam ko na nagugulohan na din.

Tiningnan ko naman si Kate bilang babala na wag na magtanong. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero alam ko na may kinalaman dito si Chase. He already own this land, pero bakit pinagpatuloy niya pa rin ang negosyo ko? At si Chrome pa ang pansamantalang namamahala? Bakit hindi nila sinabi sa akin?

"Naku boss, alagang alaga niya ang negosyo mo. Takot niya lang sayo. Sabi niya, dapat sa pagbalik mo ay mas matatag na ang negosyo mo, kaya ginawa namin ang lahat para mas lalong yumabong ang Transformers." Sagot nito sa akin na masaya pa rin at hindi pa rin niya nahahalata na sa loob loob ko ay gusto ko ng manapak. Walang pinagkaiba ito sa panloloko. Pinaglaruan ako lalo ni Chase.

"Mabuti naman Baldo. Pero hindi na kami magtatagal. Wag mong sabihin kay Chrome na dumaan ako o nakita ako. Maliwanag?"

Sumaludo ito sa akin. "Walang problema boss!"

Nagpaalam na kami kay Baldo at bumalik na kami ni Kate sa sasakyan na punong puno ng katanungan ang mga isipan namin.

"Hindi ko maintindihan. Paanong operating ulit ang negosyo mo? And based on what I heard, it was operating months ago already! At wala kang alam!" Natitilihan na saad ni Kate.

"Trust me Kate, I am asking the same thing. At walang sinabi sa akin ang magaling kong pinsan na iyon." Napahawak ako ng mariin sa manibela bago ko pinatakbo ang sasakyan ko.

"There is no other option but to talk to your cousin. Siya lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan natin." Turan ni Kate kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Chrome.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon