Max's POV
Nagising na lamang ako dahil naramdaman ko na tinatawag ako ng kalikasan. I squirmed under the sheets at agad akong napabukas ng mata ng maramdaman ko ang brasong nakapulupot sa aking bewang.
It was Chase, who's sleeping so soundly. Napakagat naman ako ng aking labi ng maalala ko ang mga nangyari kagabi. Somehow, wala akong pinagsisihan sa mga nangyari. Pero bumagabag sa akin ang reaksyon ni Chase ng malaman niya na siya ang pinakaunang lalaki sa akin. He stopped, instead he used his fingers as a replacement.
Bumigat ang dibdib ko dahil sa isipin na iyon. Ganoon ba niya kaayaw sa mga virgin? Pinagsisihan ba niya na may nangyari sa amin?
Dahan dahan kong inalis ang braso niyang nakapulupot sa akin. Napangiwi naman ako ng maigalaw ko ang balakang ko. Masakit at pakiramdan ko ay namamaga iyon.
Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko. Nakaramdam din ako ng konting pagkahilo at pananakit ng ulo. Shit, sisinatin pa 'ata ako. Tahimik at iika-ika akong pumanhik sa banyo ni Chase na naligaw pa ako dahil walk in closet ang una kong napasok.
Napapangiwi pa ako ng umihi ako. Mahapdi, parang nilagyan ng alcohol! Mabilis na akong shower doon at lumabas ng banyo. Hindi pa rin nagigising si Chase, kaya pumasok ako sa closet niya at kumuha na lamang ako ng isang tshirt niya doon at boxer. Wala akong alam kung nagamit na niya iyon o bago pa. Pero wala na akong pakialam, basta may maisuot ako.
Lumabas naman ako ng closet niya at napatingin ako sa radio clock doon sa kanyang bedside table. It's 4am in the morning. Maaga pa, pero kailangan ko ng umalis habang tulog pa siya. I have this feeling na kung hihintayin ko siya ay hindi na ako makakaalis dito.
Kaya kahit masakit ang pagitan ng mga hita ko ay mabilis kong isinuot ang tsinelas doon at lumabas ng kuwarto. Medyo madilim pa ang buong kabahayan pero may nakikita na akong mga katulong na naglilinis. Ang aga nilang maglinis.
"Good morning po ma'am." Bati sa akin ng may edad na katulong doon. "Mag-agahan na po kayo ma'am."
Agad akong umiling. "Wag na po manang. Kailangan ko ng umalis dahil may gagawin pa ako." I lied. Ano ba ang gagawin ko? Ang layuan si Chase?
"Sige po, gigisingin na lang po namin si sir para maihatid po kayo—"
"Wag na po manang! Puyat ang sir niyo. Kaya ko na din umuwi mag-isa." Pigil ko naman sa kanya. Kinabahan ako doon, dahil tiyak na magkakagulo oras na magising na si Chase.
Napakamot naman sa ulo si manang. "Sige ma'am, itatawag ko na lang po kayo ng taxi. Wala pa kasi yung driver dito. Mamaya pang alas sais ang in niya." Paliwanag naman niya sa akin.
"S-sige po, manang salamat." Sagot ko sa kanya.
Naupo na lamang ako sa sala at tahimik na naghintay ng taxi. Hinatiran din ako ni manang ng hot chocolate at pandesal at dahil nakaramdam ako ng gutom ay hindi ko na iyon tinanggihan pa.
Hindi ko pa nauubos ang kinakain ko ay dumating na ang taxi kaya agad naman akong nagpaalam kay manang at sumakay na. Wala akong pera, aakyat na lamang ako sa condo para kumuha ng pamasahe. Pwede naman yun.
Agad na nakalabas kami sa Forbes park. Hindi pa masyadong matraffic kaya mabilis din akong nakuwi sa condo. Umakyat pa ako at bumaba ulit para ibigay ang bayad sa driver ng taxi. Pagminalas ka nga naman, kung kailan masakit yung pagitan ko, kailan ko pa talagang umakyat at pumanaog ng paulit-ulit.
Nagpahinga na din ako ng konti sa condo at uminom na rin ng pain killer. Kahit papaano ay medyo epektibo naman siya, pero di ko maiwasan na maramdaman na weird pa rin siya. Nagising na ako ng bandang alas nuwebe na ng umaga.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...