Chapter 25 ♦️ Resort

25.5K 989 41
                                    

Max's POV

HALOS lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang isla, mula sa bankang sinasakyan namin. This is a private boat from the resort na sumundo sa amin dahil hindi pwede ang private yacht na dumaong doon sa mismong isla.

Malakristal sa linaw ang tubig at kitang kita ko ang mga coral reefs at mga isdang lumalangoy sa ilalim. Marami din doong mga cottage na nasa dagat mismo. The area seems like french Polynesia's philippines version.

Agad na dumaong kami sa dock at agad na sinalubong kami ng mga staff ng resort and they even put garlands around our neck. Ganito ba talaga dito?

"Wow, this place is amazing." Turan naman ni Trey ngayon at halatang nabighani sa ganda ng Cauayan Island Resort.

"They refer this place just perfect for our seminar. There's no disturbance here since it doesn't have a cellphone signal—"

"What?! Walang signal dito?" Naibulalas ko iyon kaya agad na hinugot ko ang cellphone ko at fuck, wala ngang signal! How come, a very high end resort such as this doesn't have any signal? Nasa pilipinas pa ba kami?

"Because this is a place where total relaxation is provided. You're away from social medias and the city. You're away from unnecessary calls." Paliwanag naman ni Taylor sa akin.

Now I get it. Pero paano na lang kung may importanteng tawag pala? Hindi ko yun matatanggap? Tss, sino naman ang tatawag sa akin? Si mama? Tss.

"Sir, ma'am...I'll accompany you with your designated rooms." Nakangiting saad ng babae na medyo may kaitiman. Hindi naman yun nakakapagtataka dahil sa isang resort siya nagtatrabaho. Mas nakakapagtataka kung maputi siya at dito siya magtatrabaho.

"Alright!" Sabay pa na saad ni Taylor at Trey.

Agad na naglakad kami sa isang parang water bridge dahil sa ilalim nun ay tubig dagat and there are even dolphins beneath us. Damn, this is the exact paradise I am dreaming about.

Kanya-kanyang mga cottage kami doon. Nagkataon naman din na magkasunod ang cottage namin ni Chase. We are staying at the over the water cottage kaya sigurado ako na malamig dito at hindi na kailangan pa ng aircon. Mahangin na nga at malamig sa balat ang hangin kaya siguradong hindi ako pagpapawisan dito.

Pumasok na ako sa cottage at nakalagay na doon ang maleta ko. The room is quite spacious. May isang queen size bed, table television set and soft lighting. May mga malalaking shells sa loob and even a curtain maid of shell.

The room is pretty good and I like it. Pero napakunot na lamang ang noo ko ng may narinig ako sa labas na isang babaeng nagsasalita. Her accent is strong. She sounded like from eastern Europe. Kaya napalabas ako para tingnan kung sino iyon.

"Chase! Wanna swim with me? This place is awesome." Her accent is so thick and her intonation sounded like German? No, I think it's Russian dahil may naging kaibigan din ako sa Connecticut na Russian and he sounded like this.

Then I saw a blonde woman wearing her red string bikini and her hair sprawled on her back. Mas matangkad siya kesa sa akin and even whiter than me. She looks like a paper white to me. Malaki ang hinaharap, makurba ang katawan. This woman is a perfect example of perfection. Maganda ito, she has strong features who's rare for a woman who usually has delicate feature.

Pero mas lalong napakunot ang noo ko ng makita ko ang kausap nito. It's Chase and now, he's wearing a beach short and a black sando and even wearing an aviator.

"Katarina, aren't you tired?" Tanong ni Chase rito.

Katarina? Ito ba yun kausap niya noong biyernes sa cellphone? Is she his girlfriend? Pero sa isipin na iyon ay tila parang pinunit ang dibdib ko. Pakiramdam ko, ang lahat ng excitement ko kanina ay biglang naglaho. The beauty of the place is no longer appealing to me.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon