Chapter 24 ♦️ Flight

23.9K 961 26
                                    

Max's POV

Tinulungan ako ni Kate na mag-empake ng mga gamit ko. Mostly siya na ang nag-asikaso sa mga maleta ko dahil hindi ako masyadong magaling mag-empake. Hindi ako mahilig magtravel kaya hindi ko rin nakasanayan ang mag-empake.

Naging mabilis ang oras at lingo na din. Mamayang hapon ang flight namin at doon na kami magkikita sa NAIA three dahil doon nakaparke ang private jet na sasakyan namin.

Sumakay na lamang ako ng taxi patungo doon. Hindi na ako nag-abalang magdrive dahil hindi ko kayang iwan ang sasakyan ko sa parking lot ng NAIA kahit may bayad pa yun. One week din akong mawawala.

As usual ay naging traffic pa rin ang biyahe ko patungong airport pero nakarating din naman ako. Agad naman na tumunog ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang caller.

It's Chase na ikinasikdo ng dibdib ko. I am trying to bury this feeling dahil hindi ito tama pero mas lalo lang lumala dahil sa sinabi ni Kate.

"Chase." Sagot ko.

"Where are you? I went to your condo, but you're not there." Agad na tanong nito sa akin. Napakunot noo naman ako. Hindi ko alam na dadaanan pala niya ako. Hindi naman kasi ako nito kinausap mula noong umuwi ako. He did not even texted me or ask me to hangout with him kagaya ng nakagawian namin.

"I'm already here at NAIA three." Sagot ko naman at saktong namataan ko naman si Taylor. "Taylor is here."

"Alright, I'll be right there." Sagot nito at ibinaba na ang tawag.

"Idol!" Tawag naman sa akin ni Taylor na ngayon ay ngiting-ngiti na lumapit sa akin. May mga kasama ito isa doon si Trey at hindi ko kilala ang iba.

"Hello Max." Bati din sa akin ni Trey.

"Pre." Bati ko naman sa kanilang dalawa.

"Akala ni Chase ay nawala ka na. He bombarded us to find you, nandito ka lang pala." Napapailing na saad ni Trey.

"That man is hopeless." Komento naman ni Taylor pero nakangiti naman. "By the way this is my team. He's Jack and Russel." Pakilala nito sa dalawang kasama.

Team. Ibig sabihin ay kasama niya ito sa formula race, like they are some sort of his aid or mechanical team. Ganyan naman kasi ang formula racers, maraming assistant.

"Hello pals." Bati ko sa dalawa na halatang mga kano.

"Yo!" Bati ni Russel sa akin.

"Hey." Ani Jack naman.

"Chase is coming, pero baka malate yun dahil sa traffic." Saad ko naman at napatingin ako sa relo ko.

"Nah, he's using his chopper to get here. So he'll be here any moment." Sagot naman ni Taylor.

"By the way Max, nakausap ko si Chrome. I invited him sa seminar." Saad naman ni Trey. Yeah, I forgot na magkakilala pala ang dalawang ito.

"Buti pinagbigyan mo ang ugok na yun. He was mad at me dahil hindi ko siya isinama." Napapangising saad ko rito. I'm sure nauna na sa akin si Chrome dahil sigurado akong dadaanan ako nun kung magkasama kaming pupunta.

"Yeah, he mention it na ayaw mo daw siyang isama. So I invited him since he's also an enthusiast." Napapangiting sagot naman ni Trey sa akin. Napapansin ko, Trey is actually a nice guy. The typical boy next door type.

"He's a trying hard enthusiast. Pumupusta lang naman yun tuwing may drag race. He can't even beat me." Napapailing na tugon ko. Hindi ko talaga alam ang trip ni Chrome.

"Oo nga. Pero mas maganda na nandoon siya para may dagdag bantay sayo. You know there will be lots of sharks there ready to pounce. Baka malagot kami nito." Mahinang saad nito pero narinig ko naman.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon