Max's POV
Naging matagumpay ang pagdadaos ng kauna-unahang launching ng FCR. May after party na naganap pero hindi na ako nag-aksayang umattend dahil pinauwi na ako ni Chase. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo nito samantalang matagumpay naman ang launching ng mga sasakyan niya. Laking pasalamat ko lang din dahil ang araw na ito ay lingo. Ibig sabihin ay dayoff ko kaya pwedeng pwede ko na kalikutin magdamag ang kotse ko.
Maaga naman akong nagising kaya nagkape at toasted bread lang ako dahil namimiss ko na ang pagkalikot ng kotse ko. Simula kasi ng nagtrabaho ako ay nawalan na ako ng oras para sa ganito. Ito talaga ang mahirap kung empleyado ka lang dahil hindi mo hawak oras mo at mawawalan ka rin ng time sa mga bagay na gusto mong gawin.
Pumunta na ako sa garage dahil may garahe ako sa condo. Sadyang pinagawa ko ito at nagbayad pa ng pwesto para sa garahe. Ganun ako ka adik. Kasalukuyan naman akong nagbutinting ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Chrome Calling..... Yun ang nakarehistro sa cellphone ko kaya naman ay patamad ko itong sinagot.
"What's up?" Agad na bungad ko rito.
"Good morning din pinsan! Kahit kailan talaga wala kang kuwenta kausap sa cellphone." Reklamo nito sa akin sa kabilang linya.
Napakunot naman ang noo ko at nagsimula na akong mairita. "Yan lang ba ang sasabihin mo? Marami akong ginagawa." Akmang ibababa ko na sana pero sumigaw naman ito sa kabilang linya.
"Yah! Ano ba naman to Max, do you think I'll call you for nothing?" Singhal naman nito sa akin.
Napailing naman ako. There goes my cousin, he is acting like a spoiled brat. "Ano ba ang kailangan mo? Alam mo naman wala na ang negosyo ko." Iritadong sagot ko rito at patuloy na ang kamay ko sa pagbutinting sa sasakyan.
Narinig ko naman na bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "It is not about your fallen business cuz. It is because of the newspaper. Your face is all over the news." Parang bomba na saad nito sa akin.
Mas lalong napakunot naman ang noo ko at dahan dahan na inintinde ang mga sinabi nito. "What!?" Nalilitong tanong ko. Ang mukha ko nasa newspaper? You gotta be kidding me. Wala naman akong ginawang krimen para ma feature ako sa newspaper bilang wanted. Wala akong maisip na dahilan!
"You are in the newspaper, cousin. At si tita, tuwang tuwa kasi ikaw yung na-i-feature sa business section dahil sa launching ng FCR Inc. Yung sasakyan na minodel mo ang feaniture kaya naman nandoon ka rin at tinatawag ka pa ngang mystery girl! Hahahaha." Natatawang balita nito sa akin.
Napabuntong hininga naman ako at parang lumuwag ang aking pakiramdam. Akala ko kung ano na. Ang buwiset na pinsan ko, humanda talaga ito pagnakita ko ito, hindi lang kutos ang matatanggap nito!
"Oh ano ngayon? Wala akong pakialam dun Chrome. Yan lang ba ang itinawag mo para ichismis ang tabloid?" Naaasar na tanong ko rito. Hindi ko talaga masakyan ang trip nito sa totoo lang.
"Syempre! Babaeng babae ka dun pinsan. Pero nakilala ka kaagad namin. Ganda mo pala talaga!" Hiyaw nito na alam ko na nakangisi pa.
Humigpit naman ang kapit ko sa cellphone ko dahil pakiramdam ko sarap ibato nun dahil sa kausap ko. "Chrome, matagal na akong maganda kaya di ka na dapat magugulat at tsaka tatapusin ko na itong tawag mo dahil sobrang nakakaabala ka." Saad ko rito at hindi ko na hinintay pa na makasagot ito at ibinaba ko na ang tawag.
Kahit papaano ay nagulat pa rin ako sa ibinalita niya. Hindi ako nakapagbasa ng newspaper ngayon dahil inuna ko ang sasakyan. Nagtataka tuloy ako kung bakit sinasabi nito na nandoon ang mukha ko. Baka naman nasali lang dahil sa sasakyan. Napailing na lang ako. My cousin is exaggerated sometimes. Baka OA lang ito sa reaksyon.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...