Max's POV
Ilang minuto na ba akong pinagsisipat itong sarili ko? Di ko na mabilang. Maaga akong binulabog ni Kate dahil dala dala niya ang mga damit na pinamili niya at yung nakakagulat pa eh ang dami ng pinamili nito, isa lang naman ang kailangan ko. Siya pa mismo ang pumili pero. Pumalag pa nga ako dahil puro skirts ang pambaba, wala man lang slacks o kaya mahabang saya. Pero may magagawa pa ba ako, mahigpit na bilin yun ni Chase tapos wala na akong oras para mamili ulit.
Isang kulay old rose ang coat at maikling pencil skirt na parang 4 inches above the knee ang ikli. Isang puting deep neckline naman na v-neck ang panloob na blouse. Puting pumps din ang itinerno ni Kate rito kaya nagmukha na ako ngayong barbie doll sa suot ko. Tss, pink?
"Ang ganda mo na bestfriend!!!!" Tili naman ni Kate. "Pero nakaka-insecure ah, paanong mas maganda ka pa kesa sa akin?" Biglang naitanong nito sa akin.
"Ewan ko sayo Kate, dami mong alam." Satsat ko naman rito.
One last time and I check myself again with the full length mirror.
"Kitang kita ang mahaba mong legs Max. Nakakatibo. Umalis na nga tayo, baka maexpire na yang make up mo." Untag naman sa akin ni Kate.
Naglakad na kami palabas at kanya kanya na kaming biyahe dahil may lakad pa daw si Kate. Gusto ko naman mapakamot sa mukha ko. Hindi kasi ako sanay ng may make up kaya feeling ko nangangati ang balat ko.
May dala pa akong bag dito na puti na hindi ko alam ang tawag. Parang purse na shoulder bag? Ah ewan, si Kate ang namili nitong lahat. Pero aaminin ko na talagang maganda yung pagkakaayos ni Kate sa akin, medyo kinulot pa nga niya yung buhok ko eh. Pero naiinis ako dito sa skirt na ito ang ikli and to think ito na yung pinakamahaba sa kanyang mga pinamili, may mas maikli pa dito.
Di naman tumagal ay narating ko na nga ang FCR Inc. agad akong nagpark ng sasakyan ko. Yung vios ko pa rin ang gamit ko. NakakaOP kasi kung yung audi gagamitin ko tapos assistant lang ako dito di ba?
Naglakad na ako patungong entrance at nakita ko naman si Mang Calderon at nginitian ko ito. Nakanganga ito at halatang hindi ako nakilala.
"W-welcome ma'am." Utal na saad nito at sinundan pa ako ng tingin.
Pagkapasok ko naman sa lobby ay agad na napatingin sa akin ang lahat pati ang front desk. Diredirecho lang ako pero hindi naman mabilis ang lakad ko dahil baka mangudngod pa ako, hirap na hirap ako sa balance dito kasi tiles yung floor dito, baka madulas pa ako.
"M-ma'am!" Biglang tawag naman sa akin kaya napalingon ako. Kita ko na humahangos ang front desk patungo sa akin. "Ma'am may appointment po ba kayo dito? Hindi pwedeng basta na lang kayo papasok lalo na kung hindi po kayo empleyado. Kailangan niyo po muna ang maglog in." Imporma nito sa akin.
Napakunot naman ang noo ko. Napatingin naman ako sa sarili ko at shocks! Wala akong suot na I.D! Kaya agad ko na binuksan yung bag at walang I.D na nakalagay. Cellphone ko lang at yung wallet ko. May government I.D akong dala pero wala yung work I.D! Naiwan ko sa sling bag ko! Nak ng tupa naman!
"Ah eh, Isabel, hindi mo ba ako natatandaan? Si Max ito assistant ni Sir Chase." Saad ko na lang rito.
Parang nagulat naman ito. "Eh ma'am, alam ko po na maganda si Miss Max pero wag niyo naman pong gamitin siya. Di po kayo makakapasok kung wala po kayong appointment." Saad nito.
Shit. 2nd day, epic fail na naman. Napapunta na lang ako sa front desk kasi hinila na ako nito dahil kailangan ko daw ilista ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...