Max's POV
"CUZ!" Napalingon na lamang ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.
"Chrome?!" Di makapaniwalang tawag ko rito.
Tumatakbo ito ngayon patungo sa akin habang malapad ang ngiti nito. Agad naman ako nitong niyakap ng bahagya bago tinapik ang balikat ko. Yakap lalaki lang kagaya ng nakagawian.
"Mabuti naman at nandito na kayo. Kanina pa kaming umaga rito. Nauna na kami dahil baka magkaubusan ng reservation." Turan pa nito sa akin at napatingin ako sa pinanggalingan nito.
It's a villa.
"Yan ang room mo?" Tanong ko sa kanya at agad naman itong ngumisi.
"Yes, maganda kasi may infinity pool and a jetted tub." Sagot pa nito sa akin. "Pero teka, saan ka nagsi-stay? You can share with me in the villa, dalawa naman ang kwarto." Yaya pa nito sa akin. Ang dami palang pera ng buwiset na ito pero kung makapambuwiset sa akin dati, akala mo walang pera.
"Meron na ako. Doon kami sa over the water cottages." Sagot ko naman rito.
"Swerte mo naman. Doon ko din sana gusto kaso fully occupied na daw doon kaya itong villa na ang kinuha ko. Pero teka ano pala ang nangyari noon nakaraang dinner? Tyler told me about it." Anito.
Umismid naman ako sa kanya. "Alam mo na pero nagtatanong ka pa."
Natawa naman ito. "Siyempre iba naman na malaman ko ang statement mo since ikaw yung involved. But I can't believe na totohanin yun ni tita, I thought—"
"What?! You knew?!" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
Agad naman na umatras si Chrome. "Hey, narinig ko kasi nauna ako sayo di ba? But I thought they are just joking kaya hindi ko sineryoso at hindi ko sinabi sayo."
Napabuntong hininga naman ako. Chrome has that behavior na kung sa palagay niya ay hindi yun totoo, ay hindi siya magkaka-interes na sabihin yun.
"As you heard, they want me to marry Klein. Nagkadramahan pa sa bahay—kingina talaga yang arrange arranged marriage na yan." Sagot ko rito. Somehow, wala na akong pakialam doon. Alam ko na hindi nila ako mapipilit sa gusto nila.
"Si tita naging emosyonal dahil first time mo daw siyang sinagot ng ganoon. Ikaw naman pinsan, masyado kang hot at pinatulan mo pa talaga si tita, pwede ka naman magwalkout doon ng walang sinasabi." Napapailing si Chrome. Alam ko na mahal niya si mama, dahil paborito din ito ni mama na pamangkin kahit matigas ang ulo nito.
Sinamaan ko ng tingin si Chrome. "Kung ikaw ang nasa posisyon ko, magiging kalmado ka pa kaya? Baka nga maging war freak ka pa."
"Iba naman yun lalaki. Pero ikaw kababae mong tao pero ginanun mo si tita—"
"Teka, bakit parang ako ang mali? Bakit parang kasalanan ko pa? Hindi naman ako magiging ganoon kung hindi nila ako nilagay sa posisyon na yun Chrome. I could not stay in silence when they are deciding for my future. If I have to be nasty and be mean to them, hindi ako magdadalawang isip, wag lang matuloy ang kasal na yun." Sagot ko sa kanya. Unfair din itong si Chrome dahil si mama lang ang kinakampihan niya.
"Then, what will you do? You are bound to marry Klein—"
"WHO'S GETTING MARRIED?" Mabilis akong napalingon ng marinig ko ang boses na yun.
Nagulat ako ng makita kong nakatayo na si Chase sa aking likuran and his expression is void.
"What are you doing here?" Naitanong ko sa kanya. As far as I remember ay nandoon ito sa dagat at kasama si Katarina. Paanong nandito na ito ngayon and he even change clothes and he looks like he just took a bath.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...