Max's POV
Nagkandahaba naman ang aking leeg sa pakikipag-usyoso sa bagong dating. Hindi ko kasi makita dahil lahat ng mga bakulaw ay nakikinood din. Kawawa naman kasi itong height ko na 5'5 lang ang taas, kompara sa mga higanteng 6 footer na mga ito. Nayayamot akong bumalik sa sasakyan ko na may nakabantay pa rin. Di bale na nga lang, tutal malalaman ko naman pa rin kahit hindi ako makikidumog.
Di nagtagal ay nagpulasan din ang mga taong nanonood at nagsibalikan sa kani-kanilang mga pwesto. Pasimpleng napatingin lang din ako sa sasakyan ng bagong dating and finally nakita ko na rin kahit sa malayuan.
It is a guy with tousled hair at hindi ko alam kung itim ba ang buhok nito dahil gabi naman kasi. Sa tancha ko ay nasa mga 6'2 yung height niya. Shit, ang tangkad lang di ba? Nagmumukhang unano na ako dyan. May lumapit rito na mukhang mga kakilala nito at nagbatian pa pagkatapos nun ay sumama na ito sa kumpol sa kabilang area. Well, hindi ko siya kilala at hindi ko rin masyadong nakita ang mukha niya.
"Max, why are you being silent in here? We should go over there since there is a big shark there." Saad naman ni Chrome sa akin na hindi ko alam kung saan nagsususuot kasi nawala na lang ito bigla kanina.
"I prefer dolphins." Malamyang sagot ko naman rito. Alam ko naman kung anong ibig sabihin nito pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit concern na concern ito sa negosyo ko, hindi ko naman ito kasosyo.
"Uh-uh. Do you know who was the guy who arrived just now?" Tanong naman nito.
"Of course not." Sagot ko. Baliw ba ito? Alangan naman makilala ko yun di ba? Ano ako manghuhula?
"Sungit naman. But, that guy is no other than, but Chase Luke Raccini, the CEO of Raccini Empire." Sagot nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko. As in? Yung mayamang mama na nagmamay-ari ng mga luxury car company? Oh shit, hindi ko inakala na pupunta dito yun. Tsaka syempre hindi naman yun pilipino. I heard they are Italian. Like hell, they are from Dubai, so what should I expect?
"This is your chance cuz, if you wanted to make your company big, then you have to climb to the peak." Saad naman nito.
Gusto ko naman singhalan ito kaso di ko na ginawa. Wala akong mapapala kung magagalit ako rito dahil hindi rin naman ito makikinig. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga babaeng kanya kanya ang harot sa mga lalaki doon. Sa totoo lang, ako ang kinikilabutan sa mga ito, kakarating lang ay hayun lampungan na kaagad.
"The race will start!" Biglang saad ng namumuno sa drag racing event.
Napatuwid naman ako ng tayo. Magsisimula na, pero hindi ito katulad ng racing na parang nasa race track. This is 1vs1 race. May nauna kaagad na naghamon, hindi muna ako kakarera agad, titingnan ko muna.
Naghiyawan naman ang mga nanonood at nagsimula na nga ang pustahan kung kanino sa kanila ang mananalo. Parehong mga modified ang mga sasakyan ng mga ito, but they are just using Honda SIR at mababa lang din ang pusta, 30k lang, kakasimula pa lang kasi kaya mababa pa ang pustahan. Ganito kasi ang mangyayari, winner takes all. May unang maglalaban ang mananalo, hahamunin at sa pinakahuling mananalo at wala ng magtatangkang maghamon ay siya na ang panalo at mag-uuwi ng premyo. Pataas ng pataas din ang premyo.
Agad na pinaandar na ng mga ito ang kanilang mga sasakyan isang pula at isang kulay apple green na parehong SIR. Feeling ko magkakilala lang ang mga ito kasi nagngitian pa ang dalawang driver. Nang naibaba na ang checkered flag ay agad na pinaharurot ng mga ito ang sasakyan. 1000 m lap lang naman tapos U turn at balik sa orihinal na puwesto, sinong unang makarating, siya ang panalo.
Agad na nag-ugongan ang mga sasakyan dahil sa bigat ng mga makina nito. Nakakabinging ingay at malademonyong pagpapatakbo ang mga nangyari. Ang daming usok na lumabas dahil parehong bumebwelo ang dalawa. Hindi naman inabot ng limang minuto ay unang halos giitan ng makabalik ang dalawa pero nauna ng konti yung green na sasakyan kaya ito ang nanalo.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...