Max's POV
Napapalatak na lang ako dito sa aking desk habang nirereview ko ang mga kontrata ng aming shipping partner para sa mga materyales sa aking negosyo. Paano ba naman kasi dalawang oras lang 'ata ang tulog ko tapos binulahaw pa ako ng tumutunog kong cellphone. Si Baldo tumatawag kasi may bagong mga kliente na magpapagawa na naman ng sasakyan. Napilitan akong bumangon kanina at kahit antok na antok pa ako ay pumasok pa rin ako. Balak ko pa naman sanang magpalate para makabawi ng konti sa tulog.
Tsk. Hindi ko naman kasi inaasahan na aabutin ako ng madaling araw kagabi. Dati rati naman kasi ala una pa lang nakakauwi na ako. Pero syet kanina, utang na loob ayoko ng alalahanin pa. Yung hindi ko lang makalimutan kagabi ay yung napanalunan ko at tsaka yung pakikipagkaibigan ni Chase sa akin na kailan man ay hindi ko inasahan. Nakipagpalitan pa nga ito ng business card for contact daw. Siguro kung babae ang tingin nito sa akin, iisipin ko talaga na nilalandi ako nito pero I know na tibo ang tingin niya sa akin.
"Boss, ito na po yung mga preference ng mga bagong kliente." Biglang pasok naman ni Baldo na di kilala ang katok.
Hindi ko na lang ito sinuway dahil gawain talaga nito na basta basta na lang pumapasok sa opisina ko pag nandito ako.
"Good." Sagot ko naman at tinanggap ito at binuksan ang folder. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko masyadong mabasa ang handwritten ni Baldo. Akala mo kasi eh abstract lining. "Baldo, ano ba to? Di ko mabasa." Sita ko rito. Ang hirap talagang basahin, sana nag-encode na lang siya pagkatapos ay nagprint out at ibinigay sa akin para naman hindi ganitong naghuhula ako kung ano ang nakasulat.
"Grabe naman itong si Boss. Readable kaya ito masyado." Reklamo naman ni Baldo.
Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Baldo, hindi ka Doctor at lalong hindi ako nurse, kaya wag kang ano dyan. I-encode mo nga ito sa computer tsaka iprint mo bago ibigay sa akin." Balik ko rito kay Baldo, dahil mauubos oras ko sa kakatanong kung ano ang nakasulat doon.
"Oo na boss, grabe siya makapanglait." Saad pa nito bago lumabas ng opisina.
Napailing-iling na lang ako. Sa hindi ko talaga mabasa. Hindi naman sira mata ko at lalong hindi ako nurse para maintindihan ang mga ganoong handwritten.
Tinapos ko na lang ang mga pinipirmahan ko at tsaka nagbrowse na lang ako sa net dahil wala na akong ginagawa. Ang kupad kasi ni Baldo magtype, parang 15 words per minute lang yung ability sa typing eh.
Nakita ko na lang sa isang site kung saan ay nakapost ang mga larawan sa mga pangyayari kagabi. Yung drag racing. It was a huge event at ang daming sasakyan. Kitang kita sa mga kuha pati nga sasakyan ko nasa pictures din. But yung nakaagaw pansin eh yung video ng final race. Chase Vs Max ang nakalagay sa caption and I saw how did I defeat Chase. Napangiti na lang ako. Walang nasabi yung ferrari niyang mamahalin sa audi ko.
May mga snap chats pa nga doon at sa akin na hindi naman focus medyo mga blurred pictures dahil hindi naman ako mahilig magpapicture sa mga events. But there is this one picture na naghandshake kami ni Chase.
"Wow, ang tangkad niya pala talaga." Naisaad ko na lang. Ngayon ko lang napansin sa picture. I know na matangkad siya but not as tall as this. Talagang hanggang balikat niya lang pala talaga ako tapos nakaheels pa ako diyan, eh di hanggang kili kili lang ako?
"Boss, mukhang good mood ka ah." Puna naman ni Baldo sa akin na nakapasok na pala.
Ibinaling ko naman ang atensyon sa kanya. "Buti naman at tapos ka na. Kanina pa kita hinihintay." Puna ko rito at tsaka kinuha ko na ang inilapag na folder nito at binasa ulit.
"Red, checkered jetted bumper?" Naisaad ko na lang. Hindi naman ako nagtatanong, medyo nahihiwagaan lang ako sa taste ng bago namin kliente.
"Yes boss, kakaiba yung trip nun. Yan po ang gusto, kayo na po daw ang bahala sa disenyo basta nandyan po ang tatlong yan." Paliwanag naman ni Baldo.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Любовные романы|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...