Max's POV
It's been two months already and yeah, I did take over the business. Wala na rin akong balita kay Chase. Pero hindi ko naman maiwasan na mabalitaan ang pamamayagpag ng negosyo nito. Isa ito sa nangunguna sa bansa sa larangan ng stock market. It's always rising at isa ito sa mga modelo at ihemplo sa mga maliliit na negosyo.
Hinilot ko na lang ang akong sentido habang chinecheck ko ang mga kargamentong paparating na nasa custom na ngayon. Tatlong araw lang at maihahatid na iyon sa warehouse.
"Boss, ito na po yung inventory for last month's sale. Nakabalanse na po." Saad naman ng sekretarya ko na si Reena. Mabuti naman at nakuha ulit namin si Reena. She's really doing good with the job, kaya mahirap na palitan siya ng hindi kabisado ang trabaho.
"Oh, salamat. Tsaka pakicheck na lang din yun order feedback ni Mr. Fontaverde. We need to know if he's satisfied or not." Utos ko rito. We have this policy that we have to check the customer's feedback after a month.
Si Mr. Fontaverde ay isa sa malaking kliyente namin and I need to know his feedback dahil ayokong may negatibo na komento sa trabaho ng transformer.
Ngumiti naman si Reena. "Ayos na boss. Nagreply na sila sa pinadala natin na email. Overall satisfied po ang response nila."
Napangiti naman ako doon at medyo lumuwag naman ang aking pakiramdam. I learned from my experience. Dahil sa dumadami na ang kliyente namin ay nagdagdag ako ng mga tauhan. I need more man power para mas mapabilis ang trabaho.
It was doing well, not until one job was jeopardized. Isa sa mga bagong tauhan ko ay gumamit ng maling pintura at wala pang isang buwan ay nag color fade na iyon. Muntikan ng nasira ang pangalan ng kompanya nang dahil doon pero laking pasalamat ko na lang din dahil na-areglo ko pa.
Muntik ko na din natanggal yung baguhan na empleyado, pero nagmakaawa siya dahil may pamilya siyang sinusoportahan at wala ng tatanggap sa kanya ng may ganito kalaking sahod.
Umiral naman sa akin ang awa kaya hindi ko na siya tinanggal pero binago ko na ang proseso nila. Lahat ng materyales na gagamitin ay dadaan sa reviewer para maiwasan ng magkamali.
"Boss, malapit na din pala yung due ng BIR, SSS, Pag-ibig at Philhealth. Paki-issue na lang po ng cheke." Usal naman nito at inilapag ang mga forms doon.
"Balikan mo ito after an hour." Sagot ko na lang at nireview ko na ang mga government forms. At pagkatapos nun ay kinuha ko na ang cheke para mag-issue ng mga amount at pirmahan iyon.
Iginugol ko ang oras ko sa pagchecheck ng inventory kung wala bang discrepancy and create new designs na pwedeng ma-offer sa mga new potential clients.
"Boss, may imbetasyon po." Untag sa akin ni Reena kaya napaangat ako ng tingin.
Kunot noong napatingin ako sa kamay nito na may hawak na itim na sobre.
"Kanino galing?" Nagtatakang tanong ko at nakita ko sa sobre na nakapangalan yun sa akin.
"Galing po siya sa World Business Association. Nandito din po ang representative nila." Tugon nito sa akin.
Napatingin naman ako sa likuran nito at may nakita akong isang lalaking nakasalamin na medyo payat at napatikhim ito.
"Boss, ito pala si Mr. Carbonel, siya yung representative ng WBA at siyang magpapalinawag tungkol sa imbetasyon. Maiwan ko na po kayo." Paalam naman ni Reena at umalis na ito.
"Good morning, Miss Lopez. I'm Ethan Carbonel from WBA." Pakilala nito sa akin.
Napatayo naman ako at nakipagkamay sa kanya. "Have a seat, Mr. Carbonel." At itinuro ko ang upuan na nasa harap ko. Agad naman itong umupo at ngumiti sa akin. "Anong maipaglingkod ko sa iyo?"
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...