Chapter 30 ♦️ Heartbreak

25.7K 876 16
                                    

Max's POV

Hindi ko na alam kung kailan ako titigil sa kakaiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay tila punit na punit ang puso ko. Kahit anong tigil ko sa pag-iyak ay kusang tumutulo ang mga luha ko at ayaw papigil.

Agad akong dumerecho sa condo ko at doon ko ibinuhos ang sama ng loob ko. Bakit sa lahat ng tao na pwedeng saktan ako, si Chase pa? Kung kailan, mahal ko na siya. Kung siguro, noon ko pa nalaman kung kailan ay wala akong nararamdaman sa kanya ay hindi ako masasaktan ng ganito. Magagalit ako, pero hindi masasaktan ng ganito. Mas nananaig kasi ang sakit, kesa galit.

Walang tigil din sa pagring ang cellphone ko at nakita ko doon ang number ni Chase kaya sa sama ng loob ko ay pinatay ko ang cellphone ko. I don't want to hear anything from him.

Kinuha ko na lang ang laptop ko at gumawa ako ng resignation letter. Magsesend na lang ako ng email kay Martina para ibigay ito sa gagong iyon. I still need to properly exit with resignation letter at hindi lang basta verbal. Immediate nga lang ang gagawin ko.

Formal letter lang ang ginawa ko. Hindi ko naman nilagay doon ang galit ko. It's the usual resignation letter at sinend ko na kaagad yun. Si Martina na ang bahalang magprint nun. Wala pa si Martina kanina ng mangyari yun kaya alam ko na walang makakaalam sa mga nangyari kanina.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Gusto kong matulog at lumimot. Sinubukan kong matulog pero ang hirap dahil ang daming tumatakbo sa isipan ko. Wala naman fun run para may tumakbo.

Nakatutok lang ang mga mata ko sa kisame at namamaga ang mga mata ko. I should not dwell into this feeling. I need to move on, kahit parang hindi ko pa kaya. I need to stop crying kahit parang ayaw tumigil ng mga luha ko kaya tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumanhik ako sa banyo para maghilamos.

Habang naghihilamos ay nakarinig naman ako ng katok sa pintuan.

"Babe! Please, talk to me." Napatuwid ako ng tayo dahil narinig ko ang boses niya.

Hindi ko inasahan na susundan niya ako dito sa condo. Should I open the door? Pero mas nanaig ang pride ko. I hate him. I hate him for what he did. Kung hindi ko lang mahal ang gagong yun ay baka nasapak ko na siya at di tinigilan hanggang sa maospital ito.

Lumabas na ako sa banyo at hinayaan lang na mapagod si Chase sa kakakatok sa pintuan ko. Mapapagod din yan at titigil. Ganoon naman talaga ang mga lalaki di ba? Mabilis mapagod at sumuko, kaya alam ko na titigil din yan.

Pumasok na ako sa kuwarto ko para hindi ko na marinig ang pagtawag ni Chase sa akin at may kinuha ako sa drawer na isang bote na naglalaman ng sleeping pills. Kailangan itulog ko ito para makapagpahinga naman itong nararamdaman ko dahil hindi na siya maganda sa pakiramdam.

Pagkatapos kong uminom ay humiga na ako sa aking higaan. Hindi naman kaagad eepekto ang sleeping pills. It will take 30 minutes bago ko pa maramdaman ang epekto nito.

I stared at the ceiling na hindi ko na napansin kung gaano ako katagal na nakatingin doon dahil naramdaman ko na lang na unti-unti ay iginugupo na ako ng antok.

•••

Nagising na lamang ako na tila hapong hapo ang katawan ko. Pati dibdib ko ay mabigat kahit kagigising ko pa lang. Unti-unti akong bumangon at nakita ko sa radio clock ko na alas nuwebe na pala ng gabi. Kaya pala nanghihina ako dahil gutom na ako. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Laking pasalamat ko lang at hindi namamaga ang mga mata ko.

Agad na lumabas na ako ng kuwarto at pumahik ako sa kitchen at binuksan ko na lang ang ref doon para tumingin ng mga pwedeng kainin. Walang matinong pagkain sa ref dahil nawala ako ng isang lingo at hindi rin ako nakapaggrocery dahil gabi na akong nakuwi sa condo.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon