Max's POV
Napapalatak na lang ako dahil sa traffic. Hindi kami magkasabay ni Chase papunta sa Macapagal dahil sa forbes pa ito galing samatalang ako ay sa Makati. Medyo wala ako ngayon sa mood dahil kinulang ako sa oras sa pagkalikot sa sasakyan ko. Usually ay whole day ang proseso ko sa pagkalikot ng aking sasakyan pero ngayon ay half day lang dahil galing ako sa trabaho. Pina-uwi ako ni Chase after namin sa pagbisita sa isa sa mga factory ng mga sasakyan dahil nga sa gaganapin na karera namin.
Tumunog naman ang cellphone ko at hindi ko na pinagkaabalahan na tingnan pa yun. Agad ko ng sinagot gamit ang bluetooth.
"Oh?" Agad na tanong ko.
"Cuz! Nandito kami ngayon sa Macapagal, baka gusto mong humabol." Agad na sagot ni Chrome sa kabilang linya.
Napakunot noo naman ako rito. "And why you are there?"
"Haha! Balita ko kasi may gaganapin na karera dito mamaya, kaya marami ang manonood." Sagot naman nito.
Teka, anong sinasabi ng ugok na to? May magkakarera? Ako ba at si Chase ang tinutukoy niya?
"Sino?" Tanong ko pa dahil hindi naman ako sigurado.
"Hindi namin alam pero nakaset na ang venue at ang daming bebot dito." Sagot naman ni Chrome na halatang tuwang tuwa sa mga bebot.
"Ok." Sagot ko na lang at ibinaba na ang tawag pero halos mapatalon naman ako dahil tumunog na naman ulit ang cellphone. Kaya agad ko itong sinagot para awayin si Chrome. "Hoy gago! Pwedeng tigilan mo ang kakatawag? Nagdadrive ako!" Angil ko rito. Nakakairita naman kasing nagdadrive ka talos may makulit pang tumatawag.
"Hhmmm Sorry to bother you..." Biglang saad naman ng kabilang linya na ikinabigla ko naman ng makilala ko kaagad ang boses.
"Chase?" Tanong ko pa.
"Yeah, its me.... Sorry, you sounded like you're busy." Hingi nito ng paumanhin.
"Ah no! Sorry, I thought you were my cousin... So, what's up?" Tanong ko na lang rito.
"I want to ask where are you already. I am near at the location." Saad nito sa kabilang linya.
Napalunok naman ako kasi pucha ang layo ko pa. Sputnik naman kasi itong traffic na ito. Yung EDSA isa yung pinakamalawak na parking lot sa buong mundo. Kaya nag-iba ako ng rota pero pucha trapik pa rin.
"I'm here in Buendia, got stuck with the awful traffic." Sagot ko naman rito na nagpipigil akong balyahin ang mga sasakyan sa harap ko.
"Okay, we will wait for you then Max...." Saad nito.
"Okay then." Sagot ko naman at naputol na ang tawag.
Usad pagong pa rin ang takbo ng sasakyan ko at inabot nga ako ng tatlong oras bago ako nakarating sa paroroonan ko.
•••
Agad naman akong sinalubong nina Chase dahil kilala na niya ang sasakyan ko at halatang inabangan ako ng mga ito. Kasama nito yung lalaking Andrew ang pangalan pati si Trey at Taylor. Kanya kanyang may mga babaeng kasama ang mga ito lalo na si Chase na magkabilaan ang babaeng nakapulupot rito. Napalingon naman ako sa sasakyan ni Chase na ikinataas ko ng kilay dahil ito yung sasakyan kanina na nakita ko sa warehouse nila. Ang ganda hanep.
"Good to see you pare!" Bati naman sa akin ni Andrew.
"Looking good Max." Ngising saad naman ni Taylor.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
عاطفية|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...