Max's POV
"Ma! Anong ibig sabihin nun? Marriage?!" Pakiramdam ko ay nanlalaki ang ulo ko dahil sa gulat. One moment, I just went home to have a family dinner and before it was ended, I already have been betrothed?
"Yes anak. Since you were a child napagkasunduan na namin ni Gracie na pagnagka-anak kami ng magkaibang genders, ipapakasal namin sa isa't-isa. It happened na lalaki ang naging anak niya at si Klein yun at kuya mo naman ang naging panganay. Akala namin ay hindi na yun matutupad, not until I conceived you." Paliwanag naman nito sa akin. Like my mother is saying I cannot say no to this shit.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng karapatan sa sarili kong desisyon. They are deciding for my future! They did not even think if I like it or not.
"Inisip niyo rin ba ma kung gusto ko ito? I am not marrying Klein ma! We are living in the 20th century at nauuso pa sayo ang arranged marriage na yan—"
"Max, do not raise your voice. Remember, you are talking to our mother." Sita naman ni Kuya sa akin. Palibhasa hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako.
"Kuya, do you think I will calm down after knowing this stupid arrangement? I'm gonna marry someone I don't even love! Can you just marry some random person—"
"He's not random anak. He's Klein and I know him. He's a good guy and he will be great with you. He will cherish you." Turan naman ni Papa sa akin at pakiramdam ko ay mabibiyak na ang ulo ko. Sobrang sama na ng loob ko sa totoo lang at hindi ko na kayang kumalma.
Kaya napatawa na ako ng pagak. "Una, you sent me away from home kahit labag na labag sa kalooban ko ang pag-alis. Now, you are controlling my life like I don't have a say in it. Bakit ma? Ganoon ba kasaya sa pakiramdam ang makontrol ako? Sana hindi tao ang ginawang niyong anak kundi robot para sumunod sa gusto niy—" biglang tumabingi ang mukha ko ng maramdaman ko ang sakit sa aking pisnge. Sinampal ako ni mama. Gusto kong umiyak pero ayaw tumulo ng mga luha ko. Gusto kong magwala.
"How dare you say that to me. Gusto ko lang ay maging maayos ang kinabukasan mo. I am not doing this to destroy you. Ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Babae ang magiging asawa mo? Kaya ka ba nagkakaganito? Ipagpapatuloy mo talaga yan pagiging tomboy mo?!" Galit na saad ni mama sa akin.
Napakuyom naman ang mga kamay ko. "So this is the reason. Dahil sa tomboy ako, ipapakasal mo ako sa taong hindi ko naman gusto. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ni Klein na ang pakakasalan niya ay isang tomboy? Papayag kaya siya ma? Or maybe I should be going by now telling him that I screw girls at babae din ang trip ko. I am looking forward seeing his reaction ma—"
"Stop it Emerald! You're too much! Kailan ka pa natutong sagut-sagotin ang mama mo?!" Galit na saad ni Papa sa akin.
Nakita ko naman na umiiyak na si mama. Si kuya naman ay hindi alam ang gagawin dahil alam niya ang ugali kong ito na kahit siya ay hindi ko mapapalampas kung makikialam siya.
"Matagal na akong ganito, Pa. Ngayon lang talaga ako nawalan ng respeto dahil sa pinanggagawa niyo. I better leave. If you still want to push through the wedding, kayo ang magpakasal may Klein o di kaya si Kuya ang ipakasal niyo dun...tutal kayo naman ang may gusto nito." Malamig na saad ko at tumalikod na ako para umalis sa bahay.
Kingina hindi ako tomboy! Gusto kong isigaw yun pero nagagalit ako sa nangyayari. Hindi ba sila makapaghintay? Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maikasal sa isang taong hindi ko naman mahal. I rather die a spinster than be with someone I don't love. Oo, galawang lalaki ako, pero kahit papaano ay may paniniwala pa rin akong ganoon.
Pumanhik na ako sa sasakyan ko at mabilis akong lumabas ng bahay namin at pinaharurot ko palayo. This arranged marriage thing is unbelievable. Sa mga palabas ko nga lang ito nakikita, pero hindi ko akalain na mangyayari sa akin. Gusto nilang magpakasal ako? Pakasalan nila ang lalaking yun. Bahala sila sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...