Chapter 40 ♦️ Off Guard

30.6K 975 31
                                        

Max's POV

Nagising na lamang ako at agad na naramdaman ko ang pamilyar na mga bisig na nakapalibot sa akin. Unang sumalubong sa mga mata ko ay ang dibdib ni Chase. Wala na akong ibang mapagbintangan dahil siya lang naman ang kasama ko rito.

I'm inside his arms again, while my right leg is on his legs. Nakaramdam ako ng pagkataranta. Ako ba yung lumapit sa kanya? Wala akong alam dahil tulog na tulog ako! Alam ko na natulog ako ng ako lang, paanong nakakapit na ako sa kanya?

Napabangon na lamang ako kaya nagising din si Chase at agad akong lumayo sa kanya. Nakakahiya! Base na rin sa posisyon namin ay mukhang ako yung lumapit dahil nasa space niya ako! Paanong nangyari yun? Hindi naman ako malikot matulog?

"Good morning babe." Masayang bati nito sa akin na halatang inaantok pa.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pinili ko na lang na tila walang alam sa mga pangyayari.

"Ah, morning." What? Did I just greet him back? Hindi ba dapat sampal ang isasagot ko sa kanya? Pero bakit naman ako mananampal kung ako naman ang lumapit sa kanya?

Wala sa sariling napatayo ako at tinungo ko ang maliit na refridgerator at kumuha ako ng bottled water doon at uminom. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nauhaw dahil sa itsura ni Chase. Bakit walang damit ang isang yan? Taghirap na ba at wala ng maisuot na damit?

Naramdaman ko na tumayo na ito kaya pasimple naman akong napasilip rito. Nakasuot naman pala ng short, uh I mean boxers. Siya lang ang nakikita kong haggard na bagong gising. Ano ba ang ginawa nito kagabi? Pero ayoko ng magtanong pa dahil baka kung ano na naman ang isasagot nito sa akin at mabuwiset pa ako.

Hindi ko maubos ang laman ng bottled water kaya isinara ko na yun pero nagulat na lamang ako ng kinuha iyon ni Chase at walang pagdadalawang isip na inubos niya ang natitirang laman nun.

Napalunok ako. Wala ba talagang hiya sa katawan ang lalaking ito? Habang natulala ako dahil sa ginawa niya ay hindi ko na napansin na binato niya ang walang laman na bote sa basurahan at biglang lumapit ang mukha nito sa akin at hinalikan na naman ako!

"Babe...I'm sleepy..." parang bata itong naglalambing sa ina at bigla na lamang akong niyakap nito at ibinaon nito ang mukha sa leeg ko.

Sinubukan ko siyang itulak pero malakas siya at hindi ako makawala. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng may naramdaman ako sa tiyan ko na matigas na bagay na tumutusok. Baliw lang hindi makakaalam kung ano iyon! He's having a morning wood! Walang hiya talaga! Ako yung nahihiya, langya!

"Bitawan mo nga ako. Kung inaantok ka, matulog ka!" Inis na saad ko rito at kumawala ako sa pagkakayakap niya sa akin. Hindi ako komportable lalo na at may kababalaghan na nagaganap ngayon sa ilalim ng boxers niya.

"I would love to if you sleep with me." Nakangiting saad pa nito sa akin.

Tangina lang. Kahit haggard na ang itsura nito, ang gwapo pa rin! Nasaan ang hustisya? Wala na bang ikakapangit ang lalaking ito ng maturn off naman ako?

"Tigil tigilan mo nga ako Chase. Tandaan mo, galit ako sayo kaya wag kang umakto na parang wala kang kasalanan at okay tayo!" Naiinis na saad ko sa kanya.

Bigla naman tumunog ang telepono kaya dinampot ko iyon at sinagot.

"Hello?" Nagtatakang tanong ko. Room service ba ang tumatawag?

"Good morning ma'am. This is from the front desk. The Business Fair Program is starting fifteen minutes from now. The delegates are looking for the other delegates who did not arrived yet." Anito sa telepono na ikinalaki ng mga mata ko.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon