Max's POV
Nakatanga ako ngayon dito sa dining table. Umagang umaga ay nagkakape ako. May trabaho na ako. Pero hindi ko naman alam kung ano magiging trabaho ko dahil yung HR na daw ang bahalang magpaliwanag sa akin sabi ni Chase. Siya ang boss di ba? Bakit di na lang niya sabihin ng derecho? Pero magiging mapili pa ba ako? Mas importante sa akin ang lupang ibebenta nito sa akin and exclusively mine ito. This is the biggest opportunity na pumasok sa akin at sobrang ganda ng pwesto doon. It was perfect. Reasonable na rin ang price na 50 million dahil malaki talaga ang lugar doon and city proper as well. Makati lang naman dapat siguro na sa hundred yun pero binigay lang ng ganoong price.
Ngayong araw ako magsisimula. Sabi ni Chase, ay pwede naman daw akong magsuot ng kahit ano kasi wala naman daw uniform sa kompanya but usually ang alam ko dito ay nakacorporate attire ang mga ito pero sabi na nga ng big boss di ba? I can wear anything I like so pwede ang usual na pormahan ko.
Naligo na ako at nagsuot na rin ako ng black collared shirt at isang dark fitted pants. I wore leather low cut boots at itinali ko ang mahaba kong buhok. Hindi na nga ako nag-abalang tumingin sa salamin at kinuha ko na lang ang leather sling bag ko at umalis sa condo. 9am is the time para magpakita ako sa HR.
Hindi naman nagtagal ay nakarating kaagad ako sa napakalaking building ng FCR Corp. The Raccini Empire, the largest and tallest building here in Makati. Pumasok na ako sa lobby at agad akong lumapit sa HR.
"Good morning Miss. Pwede ba malaman kung saan ang HR dito?" Tanong ko rito habang nakangiti.
Ngumiti naman din ito sa akin. "Nasa 11th floor po ma'am." Nakangiting sagot naman nito sa akin. "But may I know your name po?" Tanong nito.
"Max Lopez, miss." Sagot ko rito.
Tiningnan naman nito sa listahan ng mga expected na taong darating sa kompanya. Sabi ni Chase, I'll be on the list para hindi na ako mahirapang makapasok sa kompanya dahil strikto dito pagdating sa identification at pagtanggap ng mga bagong aplikante.
"There. 9am at HR. Check, and you can go ahead ma'am." Saad naman nito sa akin.
Nagpaalam na ako rito at pumanhik na ako sa elevator. May mga nakasabayan din ako at lahat sila ay nakaoffice attire. Ako lang ata ang naka semi formal dito kaya napapatingin sila sa akin at sinusuri ako. Feeling ko para akong unknown creature dito sa mga mata nila.
Sa wakas naman ay bumukas na ang elevator after 52 years namin na paghihintay at pumasok na kami doon. Hindi naman kami marami kaya hindi kami nagsisiksikan. Wala rin imikan roon tahimik lang parang magkagalit ang mga tao. May bumaba sa 4th, 6th, 7th, 9th floor kaya ang tagal ko rin na nakarating sa 11th floor. Nang makarating ako ay agad ko nakita ang malaking paskil na Human Resource Department at agad kong nakita ang may mga iilan na nakaupo tila mga aplikante.
Lumapit ako sa desk para magtanong dahil ang sabi ni Chase ibigay ko lang ang pangalan ko.
"Miss-"
"Give me your CV." Masungit na saad nito sa akin.
Grabe siya ang sungit na hindi man lang ngumingiti. Di ba dapat kung HR personnel ka ay dapat palangiti at welcoming? Pero ito parang tumataboy ito ng mga aplikante pero hindi na rin ako umimik at binigay ko na lang ang CV ko sa kanya.
Binuksan naman ito noon at inilista ang buo kong pangalan sa list.
"Tumatanggap na pala sila ng walk in ngayon. Sige umupo ka na doon. Hintayin mo na lang na tawagin ang pangalan mo." Saad nito at inilagay ang CV ko mga nakafile din na pakiramdam ko ay mga CV din ng mga naririto.
I went to my seat silently, ang alam ko kasi dapat manghingi lang ako ng instruction dito pero bakit, parang whole process pa rin? But I just disregard it dahil hindi naman problema sa akin kung sasabak ako sa normal process. My CV is fat and delicious it is enough for them to hire me.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...