Chapter 42 ♦️ Trouble

26.3K 942 36
                                    

Max's POV

Naalarma ako dahil sa talim ng tingin ni Chase kay Klein. Wag lang sana magsuntukan ang dalawa. Tumabi naman sa akin si Chase na ngayon ay pakiramdam ko ay inaakusahan niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

"What is he doing here? I thought he's no longer in the Philippines?" Bulong ni Klein sa akin. He's aware with the things going on between me and Chase. Kaya nagtataka ito kung bakit nandito si Chase dahil ang huling sinabi ko sa kanya ay hiwalay na kami ni Chase dahil ayaw niya sa akin.

"It's a long story." Ganting bulong ko sa kanya pero nakarinig naman ako ng tikhim mula kina Stephen.

"Hello bro, I didn't know you're here." Naiilang na saad ni Klein kay Chase na hanggang ngayon ay tila susugod si Chase sa kung ano man away.

"Me too. If I know you're here, I won't let my girl go just by herself knowing there is wolf lurking around." Pasaring naman ni Chase.

Gusto ko naman mapahilamos gamit ang mga palad ko. Why can't he act cool? Naghahamon ba siya ng away?

Tila naapakan naman ang pride ni Klein at nakita ko kung paanong kumunot ang noo ni Klein dahil doon.

"Your girl? You have no girl here, Mr. Racinni." Sagot ni Klein.

Klein knows what I've been through. Minsan, sinasama nito ang kanyang girlfriend para may makausap ako noon panahon na nalulungkot ako dahil kay Chase. Hindi ko iyon ipinapakita, pero sadyang sensitibo lang talaga si Klein at mabilis makiramdam.

Nagtagis naman ang bagang ni Chase. Ang huling tagpo namin ni Chase ay nandoon din si Klein at halos magkabugbogan pa kung hindi umatras si Klein. Alam ko na pinagseselosan ni Chase si Klein kaya ganito ang reaksyon niya.

"Who said so? You? You're the one who's dreaming Mr. Buenaventura. Max is mine." Sabay hila ni Chase sa akin kaya sumalpok ako sa dibdib niya na agad ko naman din nasangga.

Tangina, kung mag-aaway kayo wag niyo akong idamay!

"You lost your right the moment you left her broken, Mr. Racinni. You're not the one who's there to cheer her up. You're not the one who put back her smile after you left her wounded. You know nothing and you know to yourself that you have no right to claim the girl that you once trashed. Do you know what's the only thing you're good at? It's hurting the people who loves you." Hinablot naman ako ni Klein ngayon.

Pakiramdam ko ay tila bumigat ang puso ko dahil naalala ko ang mga panahon kung kailan sobrang sakit pa. Ang mas masakit, kailangan kong magpanggap na okay lang ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

"Hey, stop pulling the lady." Sita naman ngayon ni Stephen sa dalawa.

"I'm sorry sir, but I won't let that bastard hurt this girl again." Tiim bagang na sagot ni Klein sa akin.

"This is none of your business Buenaventura. Stop sticking your nose to other people's business. Let go of her! You know nothing." Para ng dagundong ang boses ni Chase at nagkasukatan na ng tingin ang dalawa.

Hindi ko na matiis dahil nakakaagaw na kami ng pansin.

"Pwede ba, tumigil kayong dalawa!" Nababanas na pigil ko sa dalawa.

"Let's talk this out privately." Saad naman ni Stephen at may mga lumapit na lang na mga body guards. "Take these two outside." Isang hudyat lang ay tangay na ng mga bodyguards si Chase at Klein na tila ano man oras ay magkakasapakan na.

Bumuntong hininga naman si Stephen. "Dear, I don't want to meddle your situation, but I don't want to see you having a hard time." Turan niya sa akin. "I see you as my daughter and a father won't just look while seeing his child being the underdog."

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon