Max's POV
I wore my most comfortable get up dahil hindi ako komportable na magsuot ng corporate uniform. At hindi naman ako briniefing kung may dress code at mga bawal na damit.
I drove myself going to FCR tower at ipinark ko ang aking sasakyan sa bakanteng parking lot doon at agad na pumanhik ako sa entrance. Pero hinarang ako ng guard.
"Ma'am, pasensya na po hindi pwede ang damit niyo dito sa building. May dress code po, bawal po tattered at tshirt ma'am." Saad ni Manong guard sa akin.
Tiningnan ko naman siya na parang di makapaniwala. Hindi ako ininform na may dress code pala! Sinabihan ako ng mismong amo nila na I can wear anything that I want! Ano to gaguhan lang?
Tiningnan ko naman ang apelyido niya sa bandang kanan ng uniporme nito. "Eh Mang Calderon po, first day ko po ngayon tapos hindi naman ako sinabihan na bawal pala ito. Sabi lang sa akin, I can wear anything that I want kaya nga ito suot ko." Nagmakaawang saad ko rito. Mukhang mabait naman kasi si Manong Guard at ginagawa lang din nito ang trabaho kaya hindi ako magagalit rito.
"Pasensya na po talaga ma'am. Kahit maganda kayo, ayoko naman mawalan ng trabaho po. Ako po ang malalagot sa management kung papapasukin ko po kayo." Pakumbaba nito at napapakamot pa sa ulo.
Bagsak ang balikat ko. Paano to ngayon? Eh hindi ako papapasukin nito sa building. Napatingin na lang ako sa relo ko at nanlaki na ang mga mata ko dahil late na ako ng isang minuto! Balik na lang kaya ako sa condo at magbihis? Hindi naman gaanong malayo, mga isang oras na drive lang. Pero napangiwi ako, ang haba ng isang oras that means it will take me more than two hours. Pero hindi naman kasi literal na two hours drive. Isama na ang lintik na trapik at ganitong oras at rush hour pa.
Biglang tumunog naman ang aking telepono at pangalan ni Chase ang nakarehistro doon. Ito na tumatawag na. Napapikit na lang ako kasi feeling ko magagalit ito dahil late ako.
"H-hello?" Nautal pa talaga ako. Syempre boss ko na yun at sa kanya nakasalalay ang kinabukasan ng negosyo ko.
"Where are you?" Tanong nito na base sa boses nito ay parang mainit ang ulo.
Napapikit naman ako. "Ahm, I am here outside. But they won't let me in because of the dress code." Turan ko dito na totoo naman talaga kasi.
I heard him cussed before answering. "Wait there." Saad nito at ibinaba na nito ang tawag.
Wait daw sabi niya. Kaya naghintay ako. Pinapanood ko na lang yung mga taong ang bibilis maglakad kahit nakaheels pa! Ang taray talaga ng mga babaeng ito, nakaheels na nakikipaghabulan pa sa jeep. Kung ako niyan baka nagudngod na ako sa sahig. Marunong naman ako magheels, wag lang sabayan ng takbo.
"Miss Lopez?" Untag sa akin ng isang mama.
Lumingon naman ako at nakita ko na parang head ito ng security dito sa building.
"Yes po?" Sagot ko naman rito.
"Pwede na po kayong pumasok." Sagot nito at sinabayan pa ako ng ngiti.
Napangiti naman ako dahil sa wakas makakapasok na rin ako. "Salamat po kuya!" Saad ko rito at binalingan ko naman si Manong Calderon. "Salamat din po kuya. You are doing your job thank you." Pasalamat ko dito at tsaka pumasok na ako.
Marami naman ang napapatingin sa gawi ko at yung iba nga napapangiwi dahil siguro sa suot ko. Pero hindi ko na lang pinagkaabalahan na pansinin yun dahil kahit ako, nagsisisi ako kung bakit nag tattered ako na marami naman akong normal na jeans doon. Gusto ko na talagang tampalin ang noo ko.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...