Max's POV
Napahugot na lamang ako ng aking panyo dahil sa init dito sa Baclaran. Nagpasama sa akin si Kate dahil susuyo siya sa Baclaran Church. Hindi ko rin alam kung anong trip nito at sa dami ng simbahan na pwede namin puntahan, dito pa talaga sa malayo.
"Kate, hindi ko alam kung ano na naman ang drama mo sa buhay at dito mo pa gustong magsimba. Pwede naman tayo doon sa chapel." Hindi ko matiis na hindi yun sabihin. Hindi naman ako maarte, masyado lang talagang malayo itong Baclaran at baka makita pa ako ng ermats ko dito. Mahilig pa naman magpunta yun dito.
"Max, sabi kasi nila na matutupad daw ang hiling mo kung dito tayo magsisimba." Sagot naman nito sa akin. Naglalakad kami ngayon patungong baclaran church. Iniwan ko ang kotse ko sa isang free parking space dahil ayokong ma tow yun.
"At kanino ka naman nagpapaniwala diyan?" Nayayamot na saad ko rito habang nagmamasid din ako sa paligid. Maingat lang ako dahil maraming snatcher dito.
"Basta. Nakakainis na kasi, may isang buwiset ngayon sa buhay ko na ayaw akong tantanan. Yayain ba naman ako ng Hey, can we fuck? Like what the fuck?! Mukha ba akong ganoon? Kaya gusto kong magsimba dito para magwish kay lord!" Naiinis na saad ni Kate at napapaypay pa ito sa sarili. "At tsaka ipapakulam ko rin ang buwiset na iyon. Marami naman 'ata ditong mga mangkukulam sa baclaran."
Gusto ko naman matawa sa mga sinabi nito. Mangkukulam sa baclaran? Naaaning na talaga ang babaeng ito. Kung anu-ano ang pinapaniwalaan. Quack doctors are fake at marami yan dito sa baclaran.
"Pumasok na nga tayo sa simbahan at manghinge ka ng holy water at sabuyan mo ang buwiset na yan ng holy water ng maging malinis ang isip nun." Saad ko rito. Araw-araw itong nagrereklamo dahil sa stalker nitong kano na laging nagyayaya sa kanyang makipagsex. Hindi ko pa ito nakikita pero kung makikita ko ito ay talagang mabibigwasan ko ang kanong iyon.
"Magandang ideya yan. Dapat sa kanya, lumaklak ng holy water." Nakasimangot na saad ni Kate.
Pumasok na kami sa baclaran church at pareho kaming nagdasal ni Kate. Miminsan lang akong nakakapagsimba dahil na rin sa marami akong ginagawa sa kompanya.
Hindi naman kami nagtagal doon sa simbahan at talagang tinotoo nga ni Kate ang bumili ng holy water. Hindi na ako nagkomento. Bahala na siya sa trip niya. Baka bukas magyaya na ito sa SM Bulacan at mababatukan ko na talaga ang babaeng ito.
Tatawid na sana kami sa daan ng biglang may natumbang lalaking matanda sa daan at isang lalaking kumaripas ng takbo.
"Hey! That's my bag! Help!" Sigaw ng matanda at mukhang imported pa.
Hindi ko naman matiis na manood lang kaya tumakbo ako para habulin ang tumatakas na snatcher tangay tangay ang bag ng matanda.
Mabilis itong tumakbo pero naharang naman ito dahil sa mga nagtitinda ng mga anik-anik sa daan kaya agad kong naabot ang braso nito at sapilitang binalibag.
"Ugh..." ungol ng snatcher at napadaing ito sa sakit.
"Gago ka. Pati matanda hindi mo pinalampas!" At tinadyakan ko ito sa tiyan at agad naman na dumating ang mga pulis.
"Anong nangyayari dito?" Agad na kwestiyon ng mga pulis kaya agad na nagsi-urong ang mga tao doon na nakikiusisa.
"Ito po ser, snatcher." Saad ko naman dito.
Pinabulaan naman ito ng ibang mga tao doon. Kilalang snatcher pala ito sa baclaran.
"Ikaw na naman? Kakalabas mo lang kahapon, hindi ka na talaga nagtanda!" At agad na pinosasan ito ng mga pulis.
Hindi na nagsalita ang snatcher pero kita sa itsura nito ang nayayamot sa mga nangyayari.
"Ma'am, magsasampa ba kayo ng kaso dito? Kasi kung walang kaso, mapapakawalan lang din ito pagkatapos ng tatlong araw." Saad ng pulis sa akin.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...