Chapter 29 ♦️ Hidden Files

24.6K 970 26
                                    

Max's POV

Tila wala ako sa sarili sa buong biyahe pabalik ng Maynila. Alam kong napapansin yun ni Chase and he even tried asking me too many times, but I only answered him as I am tired and I wanted to sleep.

Ang sinabi ni Katarina sa akin ay sobrang bumabagabag sa akin ngayon. Ayoko siyang paniwalaan pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I am doubting him. Ni hindi ko masabi ka kanya and I am starting to have a cold shoulder towards him.

Inihatid na ako ni Chase sa condo ko pagkatapos namin sa biyahe. Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Ang isipan ko ay ukupado sa mga sinabi ni Katarina. But I am damn wishing right now na sana ay hindi ito totoo. Sana, binibiro lang ako ni Katarina. Sana sinisirian lang niya si Chase.

Nabuksan ko ang isang wine sa mini bar counter at tumagay ako at inisang lagok iyon. Ni hindi ko na maramdaman ang pait sa lalamunan ko. Masikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay parang nakatayo ako sa isang bangin na alin man sandali ay mahuhulog na ako at masasaktan pagbagsak.

Pero paano kung totoo ang sinabi ni Katarina? Mapapatawad ko ba si Chase? Napapailing ako dahil alam ko ang sagot. Iniisip ko pa lang ay hindi ko na siya mapapatawad. Buhay ko ang negosyong iyon. Pinaghirapan ko, tapos sisirain lang ng kung sino.

"Sana hindi ito totoo..." naibulong ko na lang sa hangin and a tear fell, pero agad ko naman iyon winaksi. I have my doubts already but I still need to have a proof. But I am wishing at the same time na sana hindi ito totoo. Because nothing is more painful being hurt, by someone you love.

Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. Magulo ang utak ko pero nakatulog pa rin ako. Maybe it's because of the wine. Muntik ko na din naubos ang wine.

•••

I woke up with a heavy heart. Maagad akong nagising. Kaya naligo na kaagad ako at nagsuot na lang ako ng isang skinny jeans at isang white chiffon polo at puting sneakers.

Hindi ko magawang ngumiti. It's still 7am pero bumiyahe na ako putungong opisina para pumasok. Medyo makapal na ang trapiko kahit ganito pa kaaga kaya inabot din ako ng isang oras bago ako nakarating sa opisina.

Agad naman akong binati ng mga security guards at tinanguhan ko lamang sila at dumerecho na ako sa elevator para makapasok sa opisina. Wala pang masyadong empleyado doon dahil alas nuwebe naman ang pasok kaya ng makarating ako sa opisina ay hindi ko pa nakita si Martina. Mamayang 8:30 yun darating kaya dumerecho na ako sa loob dahil may spare key naman ako sa opisina ni Chase.

Agad na sumalubong sa akin ang amoy air freshener ng opisina ni Chase. Dahil sa nalaman ko ay naging asiwa na ako sa mga bagay doon. I even stare at his desk table at may magtutulak sa akin na halughugin ang kanyang drawers.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya agad na lumapit ako sa desk ni Chase at inuna kong binuksan ang drawer sa kanan. It was files that he needs to sign on. Yun ang mga nakita ko kaya isinarado ko na iyon at binuksan ko naman ang pangalawa. It was records for car design, para siyang mga catalogue. Binuksan ko naman ang panghuli sa baba at parehong mga files pa rin iyon.

Lumipat naman ako sa kabila at hinugot ko ang una. May mga kung anu-ano doon, like toy cars kaya isinarado ko kaagad iyon at binuksan ko ang pangalawala. Ang unang tumambad sa akin ay isang brown manila envelope na may nakalagay na tatak na classified. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa envelope na ito at tila nanginig ang kamay ko habang kinuha ko yun.

The manila envelope is achingly familiar lalo na at nakita ko ang pangalan doon ni Mr. Jiao. Ang may ari ng establisyementong nirentahan ko para sa transformer Inc. Bakit may ganito si Chase?

Alam kong mali ang ginagawa ko dahil hindi ito tama. Ang makialam sa pribadong gamit ay hindi tama pero, kinakain ako ng usisa. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na buksan iyon.

Tila nawalan ako ng kulay ng makita ko ang laman ng envelope. It was a deed of sale ng establisyementong inuupahan ko. Nanginig ang kamay ko at nabitawan ko yun at bumagsak iyon sa mesa ni Chase.

Dumako naman ang tingin ko sa drawer at may nakita pa ako doon na nakafolder. Nagsipatakan na ang mga luha ko at hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinuha ko ang folder at binuksan iyon.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang unang pahina dahil lahat ng iyon ay mga impormasyon tungkol sa akin. Pinakli ko naman ang pangalawang pahina at nakita ko doon ang hold order ng mga kargamento ko sa immigration. Agad na dumaloy sa aking ala-ala ang biglaang paghold ng immigration ng aking shipment. The request came from Chase Luke Raccini.

The deed of sale. The hold order. It was him. It was him who destroyed my company. Biglang kumalat ang sakit at galit sa dibdib ko. Paanong naatim niya na pakiharapan ako at magpanggap na mabuting tao, samantalang siya ang dahilan kung bakit nalugmok ako?

Tama si Katarina. Ginamit lang ako ni Chase. He used me to completely destroy me. Napahid ko ang mga luha ko at pilit kong pinigilan ang aking pag-iyak kahit na mahirap.

Puno ako ng galit at pagkamuhi kay Chase. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa sa akin ito. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya?

Then my eyes went to the door when it opened and the man I hate the most right now emerged. Ngumiti pa siya sa akin pero biglang nawala ang ngiti nito ng makita niya ang hawak ko. Napakunot noo ito at biglang nawalan ito ng kulay ng makilala nito ang hawak ko.

His reaction is a proof of everything. I should have known. Ang biglaang pakikipaglapit niya sa akin. I am just nobody but he damn make friends with me. Making me a friend to completely destroy me. Hindi ko alam na ang motto pala niya ang make your friends close, and enemies closer.

"B-babe." Takot at kaba ang bumadha sa kanyang mukha at unti-unti itong lumapit kaya hindi ko napigilan ang sarili ko kundi ibato sa kanya ang hawak ko.

"Damn you! You son of a bitch!" Gusto ko siyang saktan. Gusto kong ipadama sa kanya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

"Babe, I can explain—"

"—explain what?! That you fucking used me to destroy me completely? Aren't you satisfied that you already took my company?! Wala akong ginawa sayong masama para ganituhin mo ako, tangina mo! Naniwala ako sayo. Pinagkatiwalaan kita, tapos patalikod ka palang tumitira. Hayop ka, Chase. Ang tindi mo! Sana masaya ka na ngayon, dahil wasak na wasak na ako. You successfully destroyed me, you fucking idiot!" Sigaw ko sa kanya at wala na akong pakialam kung marinig pa kami ng ibang empleyado. Kahit marinig pa kami ni Martina. I am quitting from this job. I am quitting from his life.

"I'm sorry." Namumula na ang mga mata ni Chase and he's trying to reach me pero agad akong umaatras.

"Sorry? Is your sorry will fix everything? Is your sorry will take away the pain I am feeling right now?! No! Your sorry doesn't mean anything. It's just a bunch of empty words from a devil like you. Masyado lang akong nagtiwala sayo Chase. I did not expect that you will hurt me this way. You hurt me big time and I will never forgive you. Not today, not in this life time—don't touch me you motherfucker!" Agad kong ipiniksi ang kamay ko and I even torn the deed of sale in front of him.

Nagmadali akong pumanhik sa pintuan para umalis doon pero agad naman na may pumigil sa akin dahil sa isang yapos mula sa likuran ko. Nagpumiglas ako at nagtititili pero hindi niya ako binitawan.

"Babe please, listen to me. I can explain...please don't do this to me." Pain is evident in his voice. Pagmamakaawa at pagsusumamo ay nababakas na sa kanyang mukha pero mas nananaig ang galit ko sa kanya.

"How dare you ask me something you don't even deserve!? Bitawan mo akong hayop ka! I don't wanna see you! I am quitting! I am quitting from your life—"

"No! Please don't do this to me babe. I love you so much... I love you... I cannot afford to lose you... please hear me out—"

Pak!

Isang matunog na sampal ang pinadapo ko sa mukha ni Chase. Natigilan ito kaya nakawala ako mula sa pagkakayapos nito.

I even manage to smirk kahit galit na galit ako ngayon. "Hear you out? For another lie? Save up your wits, because no matter what you do, hinding hindi kita mapapatawad. I hate you Chase. I hate you, more than anything else in this world. I despise you. I regret knowing you. Sana masaya ka na." I saw how his tears fell down to the ground and his shoulders started to shake and before I can see him sobbing, I already turned around and went out from his office and run to the elevator.

I swear I am not coming back to this company, ever again.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon