Chapter 19 ♦️ Denial

31.7K 1.2K 122
                                        

Max's POV

Ilang araw din akong naging balisa dahil sa naisip ko noong nakaraang naglaro kami ni Chase. Yung totoo hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang isiping yun. Heck, the likes of him is definitely not my type, yung tipong sasaktan ka lang sa huli. Oo gwapo siya, yung tipong mapapatili ka pero, ayoko talaga at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko.

Max, relax hindi mo siya gusto. Gusto mo lang siyang maging kaibigan. Tama. Tama. Hindi ito pagkakagusto tulad ng kinatatakutan ko. Gusto ko lang siya bilang isang kaibigan. Tama, kaya wala dapat akong ipag-alala.

"Max?" Biglang untag naman sa akin ni Chase. "Are you okay?" Tanong pa nito sa akin.

Napakurap naman ako rito habang nakatingin. Hindi ko man lang siya napansin na nakatayo na pala siya sa harapan ko. Ganun na ba kalalim ang iniisip ko?

"Why?" Kalmadong tanong ko. Ayokong ipahalata rito na biglang nawala ako sa sarili kanina.

"I've been calling you but you're not answering." Sagot naman nito.

What the fuck. Ganun ba ako kalulong sa iniisip ko kanina para di siya marinig? I must stop thinking about it, 'cause it is not good.

"I was thinking about the mechanism of hydraulics, I got a little engrossed." Sagot ko na lang kahit hindi naman totoo. Ano ba naman kasi ang konek ng hydraulics sa ginagawa ko? Tss, tanga lang ako minsan magrason.

Halatang hindi ito naniwala pero hindi na rin ito nagtanong pa pero mataman naman ako nitong tinitigan na tila binabasa nito kung ano man ang iniisip ko. Like he can do that.

"Is there anything else?" Tanong ko rito dahil hindi ako komportable sa ginagawa niya.

"Ah, right. We will visit the factory after lunch. That's all." Saad nito at bumalik na ito sa kanyang desk.

Sinundan ko na lang ito ng tingin. Pero may sumibol na excitement sa dibdib ko. Hindi pa ako nakapunta sa factory ng FCR Inc, kaya naman na-excite ako sa kung ano man ang makikita ko. Kaya ipinagpatuloy ko na ang mga ginagawa ko. Sa totoo lang medyo nababagot na ako sa ginagawa ko, paulit ulit lang kasi araw araw. Walang ka challenge challenge. Di gaya dati na hindi ako nabuburo sa isang lugar dahil marami akong lakad at mga klienteng kausap.

Busy na rin si Chase sa kung anong binabasang documents sa desk nito at nagpapakli ito at pagkatapos ay pipirma. Minsan naman ay may tinitingnan ito sa kanyang laptop o kaya naman ay kausap sa telepono at minsan ay magsusungit pa.

"Sir, you have a visitor." Biglang saad naman ng boses mula sa intercom. Boses yun ni Martina.

"Who is it Martina?" Tanong naman ni Chase na busy pa rin ang mga mata nito sa kakatingin sa mga documents.

"It's Miss—hey! Ma'am you can't—"

"Sweetie!" Biglang bumukas na lang ang pinto at pumasok ang isang babae na sobrang seksi na halos lumuwa na ang kaluluwa nito.

Sumunod naman pumasok si Martina na namumutla pa. "I'm sorry Sir, I wasn't able—"

"It's fine Martina, you can leave." Malamig na saad ni Chase kaya nagmadali naman kaagad na lumabas si Martina at sinarado ang pinto.

"Bitch." Usal pa ng babaeng nakulang sa tela.

Napataas naman ng tingin si Chase at tiningnan ang babae. Bago pa ito nagsalita ay sinuyod pa nito ng tingin ang babae na akala mo metal detector ang mata nito tapos biglang tumaas naman ng sulok ng bibig ni Chase. Halatang nagustuhan nito ang view.

"How can I help you?" Nakangising tanong ni Chase na hindi na maalis ang mga mata nito sa halos lumuwang dibdib nito.

"I miss you sweetie. You did not call me after the night we shared." Malanding saad nito at lumapit na sa desk ni Chase at dumukwang naman ito kaya kulang na lang plato at pwede ng iserve.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon